"Oh? Mang Artemyo? Napadaan po kayo ng dis-oras ng gabi?" tanong ko sa may katandaan na rin na lalake. Kapitbahay namin ito dito sa probinsya. Namatay na ang asawa niya at nag nag-iisang anak na lang niya ang kasama niya sa buhay. "Ahh... Akira. Pwede ba akong lumapit sa 'yo?" "Opo naman. Ano po bang problema?" hindi mapakali ang daliri ni Manong sa kaya umupo ako sa mas malapit sa kinauupuan nito. Hinawakan ko ang kamay niya na halatang kinakabahan kaya hindi masabi ang nais sabihin. "Ang anak ko malapit ng magdebut." anito. "Oh bakit po? Pera po ba? Panghanda?" umiling naman siya sa mga sinabi ko. "Gusto ko sanang magpagawa ng gown sa'yo na susuutin niya." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko ay may mabigay na siyang dinadalang problema. "Wala pong problema y

