"T-teka lang! Naku! Jusko naman! Mapapahamak pa ako napag-utusan lang naman ako..." anito na ilag na ilag sa gunting na nakatutok sa tagiliran niya. At sinisigurado ko naman na isang maling galaw lang niya ay bubutasin ko talaga ang tagiliran niya! "Anong napag-utusan? At sinong nag-utos sa 'yo? Ha?" mas lalo ko pang idiniin ang gunting na hawak ko sa tagiliran niya. Kaya halos mapatalon siya sa takot. Alam kong hindi pipitchugin ang isang ito dahil halata naman sa katawan na alaga sa gym. "Ah! Ah! W-wait lang. Pakitanggal muna ako ng nakatutok sa tagiliran ko! Ayaw ko pang mamatay!" nahihintakutan na sabi nito sabay taas ng dalawang kamay niya. "Hindi ko ito tatanggalin hangga'r hindi ka nagsasabi ng totoo!" banta ko pa sa kanya. "A-ano kasi. Tanggalin mo muna. Baka maituloy yan bg d

