"Naku, anak. Pasensya ka na at pinatuloy ko na siya sa ating bahay. Ang sabi niya kasi ay kaibigan mo raw siya sa Maynila. Natatandaan ko naman na kasosyo mo siya sa kumpanya ng daddy mo kaya tinanggap ko siya rito." paliwanag sa akin ni Tiyang Loleng. Napansin niya sigurong hindi ko gusto na naririto ang lalakeng ito. "Hmm... Am I not welcome here?" tila nagtatampong tanong pa nito sa akin. Natigil naman sa pagtawa ang kambal ng tumayo na si Terrence mula sa pagkakaluhod sa harapan ng mga bata. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako at kung paano niya ako nasundan lalo na dito pa mismo sa pamamahay ko. "Terrence, kaya nga ako umalis ng Maynila at umuwi na lang dito sa probinsya dahil gusto ko na ng tahimik na buhay. Ayoko na rin makipag-ugnayan sa inyo dahil ayoko na ng g

