"Anak, aba ay magpahinga ka rin paminsan-minsan. Huwag kang masyadong magpakapagod. Baka magkasakit ka na niyan." nag-aalalang sambit sa akin ni Tiyang Loleng. Palagi kasi akong busy sa shop dahil sa dami ng nagpapatahi ng gown nila. Natutuwa din kasi ako dahil unti-unti ng nakikilala ang shop ko sa buong kabayanan kaya dinadagsa ako ng mga tao. Sinasadya pa akong puntahan ng mga ikakasal, o kaya ay mga magdedebut, minsan pa ay isang grupo na kailangan pare-pareho ang suot sa isang pagpupulong. Hindi na kinakaya ng tauhan ko dahil sa dami kaya nagdagdag pa ako ng ilan. Kumuha na rin ako ng lalakeng helper para may taga-buhat ako ng tela dahil mahirap din kung puro kami mga babae At may isang tao na hindi talaga ako iniiwan dito. Si Terrence. Kahit anong gawin kong taboy sa kanya ay ayaw

