Tinupad ko ang naging usapan namin ni Tiyang Loleng na ipapacheck up ko siya. Hindi naman na siya nakatanggi sa akin dahil nakaready na rin si Terrence na alagaan ang mga babies ko. Kasundo naman na niya ang mga bata kaya wala ng problema sa pag-aalaga. Napakadali niya lang nakasundo at nakuha ang kiliti ng nga bata. Lalo na ang kambal na tila naghahanap ng kalinga ng isang ama. Pumunta kami sa clinic na di kalayuan sa lugar namin. Eksakto naman na kadarating lang ng Doktor kaya ilang sandali lang ay pinapasok na din agad kami. "Magandang umaga po, Dok." magkasabay na bati namin ni Tiyang sa lalakeng doktor. "Goodmorning too. I'm Doc Hayden Montenegro." Pakilala nito at nakikipagkamay pa sa akin. Natulala ako dahil nakaramdam ako bigla ng hiya pero kalaunan ay tinanggap ko rin ang kama

