"Where's Kier?" mataray na tanong sa akin ni Cristina. Nakataas ang kilay, ang dalawang kamay ay nasa baywang at malikot ang mga mata na tila may hinahanap sa paligid. Nagkunwari akong hindi ko siya naririnig. Ipinagpatuloy ko ang pagdidilig ko sa mga halaman pero ang kaba ko ay nananatili pa rin sa dibdib ko dahil sa ginawa namin ni Sir Kier kanina. Para akong kabit na takot mahuli ng asawa nitong babae. "Hoy! Bingi ka ba? I said, where is Kier?!" medyo tumaas na ang timbre ng boses nito. "Hindi ko alam." Malamig pa sa yelong tugon ko sa kanya habang nakatalikod pa rin ako. Matapos naming marinig ni Sir Kier ang boses ni Cristina na papalapit dito sa hardin ay ipinagtulakan ko na si Sir Kier paalis. Ayaw pa sana nito pero wala rin naman nagawa. Sinigurado kong bago dumating si Cristina

