"Pinagbakasyon kami ni Ma'am Cristina. Nalaman niya na nasa bakasyon ka rin tapos ang alam naman niya ay nasa business trip si Sir Kier. Inisip niya sigurong masosolo niya ang Boss natin kaya ganun." kwento naman ni Ana. Tinanong ko kasi kung bakit wala sila ni Manang Rosa nung umuwi ako. Alam kong restday ni Ana ng weekends pero lalo akong nagtaka ng wala siya ng monday at si Manang Rosa lang ang nadatnan ko pag-uwi ko galing sa University. "Ganun ba, akala ko naman nag-resign na kayo kaya hindi ko kayo nakita dito." natatawang sambit ko. Tinutulungan ko siyang maghiwa ng mga lulutuin para sa hapunan habang si Manang Rosa ay nagpapalambot pa ng karne. Balak niya daw magluto ng bulalo dahil request daw 'yun ni Cristina bago umalis kanina. "Teka, alam mo bang sinundo ni Sir Kier si Crist

