Pagkatapos naming kumain ay nag abang na kami ng Jeep. Medyo siksikan dahil pahapon na rin at uwian na ng ibang galing sa trabaho. Bumaba kami sa paradahan ng tricycle at nagtricycle kami papunta sa tapat ng gate ng mansion. "Dito na lang po, manong..." si Henry. Huminto ang tricycle. Bumaba na kami at iniabot ang aming bayad. Pagkaabot namin ng bayad ay nagpasalamat kami. Agad namang umalis si Manong Driver. Mukhang nagmamadali at naghahabol dahil sa dami ng mga pasahero. "Magandang hapon po," bati ko sa gwardiya. Bago lang si Manong. Mukhang dumarami na ang mga tagasilbe ni Sir Kier. Hindi na ito kuripot sa isip isip ko. Pumasok na kami sa gate. Masaya pa kaming nagtatawanan ni Henry hanggang sa makapasok na kami sa loob. Pero unti unting nawala ang ngiti ko ng makita ko si Kier kat

