TNSH 21-NAKED

1683 Words

Nagulat ako ng pagmulat ko ay hawak na sir Kier ang balikat ko. Nabura bigla ang mga bagay na pilit ko na namang inaalala. "Bakit ka nakapikit? Nakatulog ka ba?" tanong nito sa akin sabay umupo sa duyan katabi ng duyan na inuupuan ko. Kaya ngayon ay magkatabi kami sa duyan sa gitna ng hardin na nasa gilid ng mansion. Tanging buwan lang at bituin ang nagsisilbing liwanag namin sa gabi. "Hindi po, parang may bigla po akong naalala. Bigla na lang pong sumakit ang ulo ko." "Ganun ba, masama ba ang pakiramdam mo? Nilalagnat ka ba?" sinalat nito ang noo ko kaya bahagya kong inilayo. Nailang ako sa paglapat ng kamay nito pero itinuloy pa rin nito. "W-wala po akong sakit Sir Kier." "Mukhang wala nga. Baka kailangan mo lang siguro ng sapat na pahinga." Tumitig ito sa akin. Nagkatitigan kami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD