Nagising ako kinaumagahan na wala na si Sir Kier sa tabi ko. Hindi kami umuwi sa mansion dahil gusto daw niyang magkaroon kaming dalawa ng privacy sa isa't isa. Sinigurado din niya sa akin na walang nangyari sa kanila ni Cristina ng gabing 'yun dahil kilala naman daw niya ang kanyang sarili. Naniwala naman ako dahil siya naman ang may sabi. Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay saka ko lang naalala na wala nga pala akong damit dito sa condo niya. Pinahiram lang niya ako ng tshirt niya at boxer's shorts na ginamit kong pantulog kagabi. Lumabas ako ng banyo na tanging bathrobe lang ang suot ko. Binuksan ko ulit ang walk in closet niya at naghanap ng t-shirt pero wala na akong makita kaya ang isinuot ko na lang ay ang longsleeve niya na aabot hang

