Hindi ako magkaintindihan kung ano ang gagawin ko kay Daddy kaya tinawag ko si Tiyang Loleng para ipahanda ang sasakyan kay Manong Rudy ngunit binuhat na ni Kier si Daddy. Nagulat nga ako sa lakas niya dahil nagawa niyang buhatin si Daddy ng walang kahirap-hirap. Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko at agad na sumunod sa kanilang dalawa. Nagmamadali ang baway kilos at halos lahat ng tao sa mansion ay nagpapanic na. Pagkalabas na pagkalabas ng bahay ay binuksan ko agad ang pinto ng kotse. Isinakay agad ni Kier si Daddy sa kotse nito. Sumakay na rin ako para alalayan si Daddy. Mabilis naman na sumakay si Kier at agad na pinaharurot ang kanyang sasakyan. Panay ang busina ng sasakyan niya dahil kailangan naming magmadali. Maging ang iba ay nag-give way na rin sa amin at kusa ng itinatabi an

