Nang magkamalay si Daddy kinaumagahan ay ikinuwento niya sa akin ang lahat-lahat. At kagaya nga ng kwento ni Tiyang Lokeng ay matagal na nga palang may problema ang kumpanya niya dito sa pinas. Matagal daw niya itong itinago sa akin dahil ayaw daw niyang magkaroon ako ng malaking isipin. Kaya nung hindi na niya kayanin ay lumapit na siya ngayon kina Tita Lilibeth at Uncle Lyndon para humingi ng tulong dahil kinukulang na siya sa pampasahod sa kanyang empleyado yet he maintain to be a good father to me and a good grandfather to Keira. Hindi niya daw intensyon na ipakasal ako kay Kier pero ito daw ang hiniling ni Kier sa kanya bilang kapalit. So, talaga pala na gusto niya akong makuha sa kahit na anong paraan. Well, hindi ko rin naman masisisi si Daddy dahil sinabi niyang para sa kapakana

