Patakbo kong nilapitan ang aking asawa ng marinig ko ang boses nito. Nakaramdam agad ako ng tuwa at excitement. Sa wakas! Siguradong-sigurado na ako na asawa ko ang nagsalita. Na gising na ito at hindi lang natutulog. "Aki? Gising ka na! Totoo nga! K-kamusta? O-okay ka na ba? M-may masakit ba sa'yo? M-may nararamdaman ka bang hindi maganda?" hindi magkamayaw na tanong ko sa asawa ko pero marahang iling lang ang tugon nito sa akin. Batid kong mahihirapan pa itong magsalita kaya naman inilapit ko tainga ko sa kanya para marinig ko ang munting bulong niya. "T-tubig..." nahihirapang sambit niya. Sa tagal nga ng pagkakatulog niya ay maari ngang uhaw na uhaw siya. "Gusto mo ng tubig? Sandali at ikukuha kita." nagmamadali akong lumapit sa pitchel na may laman na tubig at agad kong sinalinan

