Akira's POV Nagising ako sa isang madilim na lugar. "Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili. Nakakita pa ako ng munting liwanag ngunit napakaliit lang niyon. Sinundan ko iyon pero tila ba hindi ako nakakaalis sa kinaroroonan ko. Tila ba namagneto ako kung nasaan ako ngayon. "Nay? Daddy?" sambit ko ng makita ko ang imahe nila sa di kalayuan. Nakaramdam ako ng saya ng makita ko sila. Sa wakas! Magkakasama na kaming muli. Miss na miss ko na si Daddy lalo na si Nanay na tila ba matagal kaming hindi nagkasama-samang muli. Gusto ko na silang makasama. Gusto ko na silang makapiling muli. Gusto ko ng maging buo kami. Nang sa wakas ay nagawa kong ihakbang ang aking mga paa. Lumalapit ako sa kanila pero bakit parang palayo sila ng palayo sa akin. "Nay? Daddy?" muling tawag ko sa kanila. Magkah

