TNSH 3-RUDE VISITORS

1858 Words
Nakatulogan ko na ang pag iisip sa mga sinabi ni tiyang Loleng kay sir Kier. Nagising na lang ako sa marahang haplos ni tiyang sa aking pisngi. Madilim dilim pa sa labas pagtingin ko sa bintana. Ngayon na nga pala ang balik ni tiyang. Pupungas pungas na bumangon ako. Bahagya ko pang kinusot ang aking mga mata dahil sa nararamdamang antok. "Oh pano anak. Ako'y uuwi na ha. Magpapakabait ka dito. Kontakin mo ako sa telepono kapag nagkaroon ka ng problema dito," paalam ni tiyang. Nais kong itanong sa kanya ang narinig ko kahapon pero wala akong lakas ng loob kaya nagpanggap na lang ako na wala akong alam at narinig. "Sige po, Tiyang. Ikaw rin po, mag iingat ka rin po sa byahe. Ang bag mo po ingatan mo. Pagkarating mo po sa atin ay tumawag ka po kaagad sa akin." sabi ko naman habang pinipigil na mapaiyak. Ngumiti ako kay tiyang Loleng at agad na yumakap rito bago ito lumabas ng aking silid. "Tiyang hatid na po kita sa labas." alok ko pa. Tumango naman ito. Sabay kaming lumabas ng silid habang nakayakap ako sa kalahating katawan ni tiyang. Nang makarating sa ibaba ay naghihintay na doon si sir Kier. Mukhang ihahatid nito si tiyang Loleng sa terminal ng bus. Sumakay na si tiyang sa kotse habang kumakaway sa akin. Kumaway rin ako bilang pamamaalam sa kanya. Hindi na nagpahatid sa akin si Tiyang Loleng kahit na sa terminal lang dahil baka raw sumama pa ako pabalik sa probinsya. Inihatid ulit ni Sir Kier si tiyang sa terminal ng bus. Muli naman akong nakaramdam ng lungkot ng ako na lang mag isa ang naiwan. Iba ang pakiramdam ko nang dito ako iniwan ni tiyang kumpara noong iniiwan ako nito sa aming probinsya. Mabilis na lumipas ang araw. Dumaan ang isang linggo at laging si Henry lang ang nalalapitan ko rito sa mansyon. Laging wala si sir Kier. Kapag nasa mansyon naman ito ay madalas lang tahimik at pansin kong palagi itong nakamasid lang sa bawat kilos ko. Iniisip din ba nito na kukuha ako ng gamit niya at ibebenta kagay ng ginawa ng ibang katulong niya noon? Kakausapin lang ako nito kapag may kailangan. Tatawagin lamang ako kapag may iuutos na. Very firm pero madalas din itong umuwi ng lasing at laging may iniuuwing babae sa mansyon. Actually iba't ibang babae lagi ang dala nito. Habit niya siguro. Wala lang din naman kay Henry kaya hindi ko na rin pinagtutuunan ng pansin. Minsan nga naiisip ko pa na parang may malaking problema si sir Kier. Gusto ko itong kausapin minsan pero ayaw ko naman na makialam at manghimasok sa problema nito. Isa pa, Boss ko siya at katulong lang ako. Baka isipin pa nitong masyado akong pakialamera kaya hinahayaan ko na lang ito sa gusto nitong gawin. Tutal naman ay hindi rin naman ako magtatagal ng pag-stay sa mansyon na ito. Hindi naman masyadong hirap sa gawain dito dahil lagi rin akong tinutulungan ni Henry kapag walang iniuutos dito si Sir Kier. At isa pa malinis naman ang mansyon kaya hindi ganoon kahirap linisin sa araw araw. Konting kuskos lang ay makintab na ang mga gamit. Konting walis at mop lang ay malinis na ang sahig. Ubos nga lang sa oras dahil malawak. Napansin kong hapon na ay wala pa rin si sir Kier. Ako na lang ang nagpresintang magluto ng aming kakainin sa dinner. Tinulungan ako ni Henry kaya mabilis din akong natapos. Gabi na kaya umuna na kaming kumain ni Henry. Saktong kumakain na kami ni Henry ng dinner ng dumating si Sir Kier na may mga kasama. Mga lalake na may kanya kanyang kapareha na babae. Mga barkada siguro ni sir Kier. Tumayo kami ni Henry para batiin si sir Kier pero nauna na itong magsalita. "Akira, ipagluto mo kami ng pulutan, ikaw naman Henry ipaghanda mo kami ng maiinom na alak dalhin mo doon sa garden." utos nito sa amin. "Opo, Sir." Panabay pa naming sagot ni Henry. Tinapos lang namin ang aming pagkain pagkatapos ay sinunod na namin ang ipinag uutos nito. Akala ko ay nasa garden na silang lahat pero may iba pa lang nakatambay pa dito sa sala. Napayiko ako bigla. Pansin ko ang hindi magandang tingin sa akin ng mga kababaihan na para akong isang nakakadiring nilalang habang ang mga lalaki naman ay hinahagod ako mula ulo hanggang paa kaya hindi na ako naging komportable na magpakita ulit sa mga bisita. Dumiretso na agad ako sa kusina at sinimulan ng lutuin isa isa ang mga pupulutanin ng mga ito. Nagluto ako ng porkchop, sisig at kung anu-ano pang uri na pwedeng gawing pulutan. Bahala silang manawa. Nang matapos kong lutuin ang lahat ay napangiti ako dahil naging matagumpay ang pagluluto ko at sinigurado kong ang lahat ng iyon ay masasarap. Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya nakiusap na lang muna ako kay Henry na ito na lang ang magdala ng mga pulutan na niluto ko para sa mga bisita ni sir Kier. Wala namang reklamo na sumunod si Henry. Matapos dalhin ang lahat ay nakahinga ako ng maluwag ngunit ng huling balik ni Henry ay sinabi nitong tawag daw ako ni sir Kier. "Aki, tawag ka ni Sir Kier. Bakit daw hindi ikaw ang nagdala ng mga pulutan sa kanila," pabatid sa akin ni Henry. "Ganun ba, anong sabi mo?" "Sabi ko, baka napagod ka na pero sabi niya ay sabihi ko sayo na pinapapunta ka niya." Napabuntong hininga naman ako. Hindi naman sa tinatamad ako. Totoo naman na napagod ako sa pagluluto. Yun nga lang, sadyang hindi ko lang kayang tagalan ang presensya ng mga kasama ni sir Kier. "Inhale...Exhale...Ganyan nga Akira! Wag kang papatalo sa kanila. You are beautiful in your own way!" Pagpapalakas loob ko sa aking sarili. "Sige lang Aki, paniwalaan mo lang ang sarili mo." Pinuntahan ko na ang mga bisita sa garden. Kahit naiilang ako ay wala naman akong ibang choice dahil hindi ko naman pwedeng suwayin si sir Kier. "Sir Kier pinapatawag mo daw po ako?" Bungad na tanong ko kay sir Kier pagkarating na pagkarating ko. Kinakabahan pa ako. Rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. May katabi itong babae ngunit ng magawi ang tingin sa akin ay biglang umirap. "Bakit hindi ikaw ang nagdala ng mga pulutan dito? Bakit kailangang kay Henry mo iutos? Hindi ba't ikaw ang inutusan ko?" sabi nito sa akin sa harap ng mga barkada nito. Natigilan ako at napalunok. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nabaling naman ang tingin ko ng magsalita ang babaeng katabi nito. "Hmm… Kier? Bakit ba ang hilig mo sa mga chakang katulong?" Maarteng sabi ng babaeng katabi ni sir Kier sabay tingin sa akin na may halong pandidiri. Lalo naman akong nakaramdam ng pagkailang. Ibinaba ko ang aking ulo at sa mga paa ko ibinaling ang aking paningin. Sa sinabing iyon ng babae ay parang lalo akong nanliit sa sarili ko. Parang gusto na agad tumulo ng luha ko. Parang gusto ko na agad niyang umuwi sa Tiyang Loleng ko. "Kung ako na lang ang kinuha mong maid… For sure nasisiyahan ka sa akin araw-araw," tumawa pa ito ng animoy nag iinis talaga. Napatingin ulit ako sa babae. Kita kong naglalakbay ang daliri ni sir Kier na hubad baro pa. Kita ang magandang hubog ng katawan lalo na ang walo nitong abs na akala moy pandesal na nakapinta roon. Buong akala ko ay ipagtatanggol ako ni si Kier pero nagkamali ako dahil nakitawa lang din ito sa mga barkada nito kaya lalo akong nanliit sa harapan nila. Pero may isang lalake ang nagsalita sa pagitan ng tawanan nila. "Hoy Layda! Di hamak naman na mas maganda ang hubog ng katawan ni Miss Nerd kumpara sayo!" Sabay halakhakan din ng mga kalalakihan. "Duh?! Saang banda aber?" Maarteng sabi nung Layda na tinutukoy ng isang lalaki. Ako naman ay nananatiling tahimik lang at walang imik at hindi na kumibo habang nakatungo pa rin. Pakiramdam ko ay naninigas na ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagpapahiya na ginagawa nila sa akin kaya naman naglakas loob na akong magsalita. "Sir Kier? May ipag uutos pa po ba kayo? Kung wala na po ay babalik na lang po ulit ako sa loob ng kusina dahil marami pa po akong huhugasan plato doon." Iniangat ko na ang aking mukha. Sinalubong ko na ang mga mata ni Kier na nakatingin din pala sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Umayos ito ng upo. Medyo hinawi nito ang babae na halos kumandong na dito. Tinitigan ko rin si sir Kier at ito na ang unang nag iwas ng tingin. Napansin din siguro nito na hindi ako kumportable kaya pinayagan na rin ako nitong makaalis. "Sige na, makakaalis ka na. Si Henry na lang ang bahala dito," walang ganang sambit nito. Nalungkot siguro dahil wala na silang pagtatawanan. Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi nung babaeng katabi ni sir Kier pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin. Yumuko ako at nagpaalam. Kahit papano ay nagbigay galang pa rin ako sa kanila. Tumalikod na ako at dire-diretso nang umalis sa harapan ng mga ito. Imbis na sa kusina ako dinala ako ng paa ko sa hagdanan paitaas. Pagpasok ng silid na tinutuluyan ko ay doon ko lang nagawang ibuhos ang aking masaganang luha. Napatanong na lang ako sa aking sarili kung bakit ipinanganak ako pangit sa paningin ng iba. Habang umiiyak ako ay nagawa ko pang magsulat sa aking Diary. Ilang notebook na ba ang napupuno ko dahil sa kakasulat ng mga bagay na ginagawa ko sa loob ng isang araw? Lalo na kapag wala akong mapagsabihan ng problema ko. Tanging Diary ko lang ang nagsisilbing kausap ko. Tanging diary ko lang ang nagiging sumbungan ko. Humiga ako sa kama at itinuon ang mga mata sa puting kisame. Papikit na sana ako ng makarinig ako ng mahihinang katok mula sa pintuan. Pinahid ko pa ang natira kong luha at patamad na tumayo saka ko tinungo ang pintuan. Nagulat ako ng makita ko si sir Kier na nakatayo roon. Sinuri ang hitsura ko at tumigil mismo sa mga mata ko. "What's with your eyes? Are you crying?" nakakunot ang noong tanong pa nito. "H-hindi po sir. Naghikab po kasi ako kaya nagluha ang mga mata ko. Pinilit kong ngumiti sa harap nito. Ayaw kong isipin nito na napakadrama ko sa buhay. Na mahina akong babae dahil baka lalo lang akong pagtawanan nito kagaya ng ginawa nito kanina sa harap ng mga barkada nito. "Mabuti naman. I'm checking up on you kung okay ka lang dito," sabi pa nito. Napanganga naman ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Concern ba ito sa akin o nagbabait baitan lang para hindi mawalan ng katulong? Parang kanina lang ay nakiki simpatya ito sa mga nangungutya sa akin tapos ngayon? He's checking up one me? O baka naman lasing lang kaya biglang naging concern? "Okay lang ako dito, Sir. Huwag niyo na po akong alalahanin." Walang ganang sagot ko. Marahan naman itong tumango. Nang isasarado ko na sana ng pinto ay natigilan ako ng pigilan ito ng matipuno nitong braso. "Bakit po sir?" kinakabahan na tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD