Maaga akong nagising kahit na puyat ako kagabi. Sinimulan ko na kaagad ang mga gawain ko. Nagluto na rin ako ng agahan para kung gustong kumain ni Sir Kier ng almusal ay may maibibgay agad ako. Hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi. Hanggang sa makahiga na ako sa kama ay tulala pa rin ako. Masyado lang siguro akong nanibago sa naging trato ni sir Kier sa akin kagabi.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato ng makarinig ako ng malakas na tawag sa pangalan ko na nanggagaling sa silid ni Sir Kier. Nag-alala naman ako. Wala pa naman si Henry ngayon dahil may binili yatang piyesa ng sasakyan. Nagmamadali na binanlawan ko ang aking kamay na may sabon at ipinunas na lang sa laylayan ng damit ko para matuyo saka pinuntahan ko agad ang silid ni Sir Kier. Nang makapasok na ako ay nakita kong nakasapo ito sa ulo nito. Dala siguro ng hangover dahil napakarami nilang nainom na alak kagabi.
"Nandito na po ako, Sir Kier." Habol hiningang sabi ko dahil sa ginawa kong pagtakbo. Bahagya kong itinaas ang aking malaking salamin sa mata na malapit ng mahulog. Muntikan pa nga akong matapilok sa hagdanan dahil sa sobrang pagmamadali ko.
"Bakit ba ang tagal mo? Ipagtimpla mo ako ng kape!" Pasigaw na utos nito sa akin. Halos mataranta pa ako sa pagsunod sa utos nito. Ngayon niya lang ako inutusan ng ganito dahil madalas ay malumanay itong magsalita. Parang kagabi lang he's checking up on me, tapos ngayon todo sigaw na siya. Assuming ka na naman Aki!
Bumaba agad ako at nagtimpla ng kape saka ako muling umakyat sa itaas para dalhin ang kape.
Kumatok ako ng bahagya bago pumasok. Kung ano ang inalisan kong pwesto ay ganun pa rin ang pwesto nito ngayon.
"Sir, kape nyo po," sabi ko pa sabay lapag ng tasa ng kape sa center table nito.
"Argghhh! Ang sakit ng ulo ko!" nagrereklamong sigaw pa nito.
"Hays... Maglalasing lasing tapos hindi naman pala kaya." Para akong bubuyog na bubulong bulong habang pabalik ulit sa pintuan palabas.
"Anong sabi mo, Akira?" Inis na tanong nito sa akin habang nakasapo pa rin sa ulo ang mga kamay. Nag angat ng kaunti ang ulo at tiningnan ako ng masama. Nahintakutan naman ako.
"Ah! Wala po. Sige po. Alis na po ako." Paalam ko rito at tuluyan na akong lumabas ng silid. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sa wakas ay nakalabas na ako doon.
Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang ako ng muli akong tawagin si Sir Kier.
"Akira!" malakas na sigaw ulit nito.
Shocks! Akala ko pa naman makakaalis na ako. Bumalik ulit ako ilang hakbang ang layo sa pintuan nito. Bago ako pumasok ay ngumiti muna ako para ikalma ang sarili. Pinalabas ko pa ang mga braces ko sa taas at ibaba ng aking ngipin.
"Yes po, Sir? May kailangan pa po ba kayo sa akin?" Mahinahong tanong ko kahit na gustong gusto ko na itong Jombagin dahil sa pagsusungit!
"Gusto kong linisin mo itong kwarto ko mamaya pati na ang buong bahay. Yung walang matitirang dumi ha! May bisita ako mamaya nakakahiya naman sa kanila kung aabutan nilang madumi itong pamamahay ko. Pinagsamang utos at sermon na sabi nito sa akin.
"Okay po, Sir Kier. Masusunod po." sagot ko habang nakangiti pa rin ako. Bahagya pa akong napahawak sa malaking salamin ko saka ko inayos upang matingnan ito ng direstso sa mga mata. Isunod ko pa ang pagkalikot sa mahabang buhok ko na palaging nakatirintas ng dalawa sa pagitan ng aking balikat. Hindi ako umaalis sa harapan nito hanggang hindi ako nito pinapaalis dahil baka tawagin na naman ako.
Nakita kong kumunot bigla ang noo ni Sir Kier ng makita ako nitong nakatitig pa rin sa kanya at hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko.
"Ano pang tinatanga-tanga mo dyan, Akira! Kilos na!" Sigaw na naman nito sa akin. Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ko. Nataranta ako sa sigaw nito kaya hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko.
"O-opo, Sir! H-heto na nga po! A-alis na!"
Nagtatakbo na ako palabas ng kwarto nito. Dumiretso na ako sa kusina at ipinagpatuloy ang naudlot kong paghuhugas ng plato kanina. Hays, bakit kaya biglang nagsungit si Sir Kier? Ganun ba talaga kapag nakakainom ng alak? Pagdating ng umaga masungit na?
Nagsimula na rin akong maglinis ng buong bahay. Walis dito, walis doon. Punas dito at punas doon kahit na alam kong malinis naman sa loob ng mansyon ay nilinis ko pa rin lahat. Ayaw kong mabulyawan na naman ako ng amo kong bigla bigla nalang nagsusungit!
Nang matapos na akong maglinis ay bahagya kong kinapa kapa ang mga mwebles, pinasadahan ko ng aking mga daliri ang bawat ibabaw nito para masigurado kong wala ng nakadikit ditong alikabok. Nakaramdam naman ako ng pagod sa lahat ng ginawa ko kaya nakaramdam ako ng pagkaantok. Imagine, gigising ka ng madaling araw. Magluluto at maglilinis. Sino ba naman ang hindi mapapagod? 16 years old pa lang ako pero yung pagod ko mas matanda pa sa akin.
Umupo ako saglit sa sofa. Hawak ko pa rin ang walis tambo na ginamit ko. Hindi ako sanay sa vacuum kaya ito lagi ang ginagamit ko. Saktong napapapikit ako ng marinig ko na naman ang boses ni Sir Kier.
"Akira," rinig kong tawag sa pangalan ko.
Napamulat ako at biglang tumayo. Ikinuyom ko ang mga kamao na tila may kalaban sa akin harapan. Naalimpungatan lang yata ako. Wala naman akong nakikitang tao eh, dahil siguro sa kakatawag ni Sir sa pangalan ko kaya pati sa pagtulog ko naririnig ko na.
Muli akong umupo sa sofa at ipinikit ko ang aking mga mata.
"Akira! ano ba?" rinig kong galit ng boses.
"Hays! Nakakapagod na talaga! Makaalis na nga sa trabaho ko!" Sabay bitaw ko sa hawak kong walis.
"Anong sabi mo Akira? Aalis ka?" rinig kong boses na naman. Bakit ang haba naman yata ng panaginip ko?
"Akira? What happen to you? Nagsasalita ka ng tulog? For pete sake!" tila nauubusan na ng pasensyang sabi ni Sir Kier sa akin.
Nagulat na lang ako ng magsalita na si Sir Kier sa gilid ko. Ang lapit na pala nito sa akin. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala ito. Tulog ka kasi ng tulog, Akira!
"Naku Sir! Nagbibiro lang naman po ako. Practice lang po ba. Ganun kasi yung mga napapanood ko sa pelikula. Balak ko po kasing mag artista." Birong palusot ko na lang. Baka sakaling makalusot sa aking ginawang pagtulog.
Nakita kong kumunot ang noo nito pagkatapos ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang hinahagod ang kabuuan ko na may kasamang pagsuri at saka humalakhak ng napakalakas.
"Anong sabi mo? Ikaw mag aartista? Por Dyos por santo. Akira! Maghulos dili ka nga!" Sabi nito habang halos nananakit na ang tiyan ko sa kakatawa.
"Sa panget mong yan sa tingin mo may kukuha sayo bilang artista?" sabi nito habang patuloy pa rin sa pagtawa.
Ako?
Panget?
Bigla naman akong nasaktan sa simpleng sinabi nito sa akin. Nagbibiro lang naman ako pero seryoso na para sa kanya o ako lang yung hindi marunong sumakay sa biro nito sa akin na ako din naman nagsimula?
Nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para laitin ako. Ganun ba talaga ako kapangit sa paningin ng iba? Tanggap ko naman na pangit ako bakit kailangan pa nyang ipamukha sa akin. Drama ko sa aking isipan.
Tumigil naman bigla si Sir Kier sa pagtawa ng biglang nawala ang ngiti sa labi ko at biglang sumeryoso na ulit ang mukha at bumalik sa pagka istrikto.
"Tigilan mo na ang panaginip mo. Gumising ka na at dumiretso ka na sa kwarto ko. Dapat ay malinis na yun pagbalik ko ha. Kung hindi ay mananagot ka sa akin." masungit na sabi pa nito.
Napatango na lang ako. Nagpaalam ako at naglakad ng mabagal papunta sa kwarto ni Sir Kier. Bagsak balikat ako habang umaakyat sa hagdanan. Napaisip naman ako.
Bakit ganun? Ang sabi naman saken ni Tiyang Loleng ay mabait daw at maalalahanin si Sir Kier ah?
Pero bakit parang kabaliktaran yata ang sinabi sa akin ni tiyang. Ibang katauhan kasi ni Sir Kier ang nakikita ko ngayon. Masungit na, masyado pang masakit magsalita.
Hindi ko alam kung para saan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko pero agad ko rin pinalis iyon gamit ang braso ko. Hindi lang siguro ako sanay na pagsalitaan ng hindi maganda. Kahit si tiyang Loleng ko ay hindi ko narinig na laitin ako. Sabagay... iba nga pala ang probinsya sa Maynila. Ibang iba. Kung wala lang talaga akong utang na loob kay tiyang Loleng ay hindi ako magtitiis sa mansyon na ito.
Sinimulan ko na ang aking paglilinis. Pinalitan ko ang kobre kama nito. Pati na rin ang punda at unan. Isinabay ko na rin ang kurtina saka nilagyan ng freshen air ang Kwarto. Kakaiba na ang amoy e. Parang amoy zonrox? Kakalinis ko lang nito nung nakaraan ah?
Dinala kaya niya dito yung babaeng nakakalong sa kanya kagabi? Mukhang naiwan rin ang amoy nun! Gusto ko sanang sermunan ang Boss ko kaya lang, hindi ko naman magawa. Takot ko na lang na masigawan ako nun.
Medyo natagalan ako sa paglilinis dahil ipinag aangat ko ang bawat gamit sa loob ng kwarto ni Sir Kier. Ang iba ay iniusod ko na lang dahil mabibigat. Kung nandito lang si Henry ay baka nagpatulong na ako dun. Nanliit naman ang mga mata ko ng may mapansin akong kakaiba sa ilalim ng kama. Ano ito?
Pinulot ko iyon at halos mabitawan ko pa.
"Tatlong condom na nakabuhol pa? Ew!" nandidiring sabi ko pa.
Mula sa hawak ko sa dulo ng daliri ay inihuhulog ko ito isa isa sa basurahan.
"Hays! Ilang bata ba ang kailangan nyang sayangin?" nanghihinayang na sabi ko pa habang umiiling ang ulo ko. Isa isa kong itinuro ang condom na may laman sa loob sabay hulog sa basurahan.
"Ito, Engineer."
"Itong isa naman Architect,"
"At itong pinakahuli naman, hmmm... sa tingin ko Modelo." Nakahawak pa ako sa aking baba dahil seryoso ako sa pagiisip.
Saktong ihuhulog ko na ang pinakahuling condom ng bumukas ang pintuan ng kwarto ni sir Kier kaya napatingin ako doon at agad na nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi ka parin ba tapos maglinis hanggang ngayon? Diba sabi ko naman sayo bago ako dumating, dapat tapos ka na?" Iritableng bungad nito. May kasamang babae na naka abresyete sa braso nito.
Napatingin naman ito sa hawak ko at kumunot ang noo.
"Ano ba yan? Bakit hawak hawak mo iyan?" gilalas nito.
"Ah ito ba Sir? Ito po ay isang modelo na sinayang mo," wala sa sariling nasambit ko.
"Whaat?" nauubusan ng pasensyang sigaw nito. Sinamaan ako ng tingin.
"Ah wala po Sir. Ito na nga po tapos na. Lalabas na po ako." magalang na paalam ko pa.
Halos yakapin ko na ang basurahan na dala ko saka ko nilampasan si Sir Kier at ang kasama nitong matangkad na babae.
Bago na naman ang kasama ni Sir ah. Ilan pa kayang babae ang meron ito? Masyadong matinik sa chix eh! Palibhasa mayaman at gwapo! Kaya ginagawang laruan lang ang mga babae. Dahan dahan kong isinara ang pintuan ng kwarto nito.
Napailing iling na lang ako. "Teacher naman siguro ngayon ang magagawa nila Hays..."