Kinabukasan ay balak ko sanang kausapin si Sir Kier Kier para makibalita sa magiging kapalit ko sana pero mailap naman ito at palaging nagmamadaling umalis. Kaya naman palaging nauudlot ang pagtatanong ko dito. Yung tipong ibubuka ko palang ang bibig ko nagpapaalam na agad ito. Hindi man lang ako pinapatapos sa sasabihin ko.
Mahigit isang buwan na lang ay pasukan na kaya gusto ko na sanang magpaalam kay Sir Kier para maasikaso ko na ang pag aapply ng scholarship program sa isang Universidad sa aming probinsya
Alam ko naman sa sarili kong kakayanin kakayanin ko yun dahil matalino naman ako at confident ako doon. Palagi akong top1 sa klase at Valedictorian pa ako nitong nagtapos ako sa high school. Pagdating naman sa financial ay sasabayan ko na lang siguro ng sipag at tyaga. Magtatrabaho ako sa mga bakanteng oras at araw ko para matustusan ko ang lahat ng pambayad ko sa matrikula dahil pangarap ko talagang makapagtapos ng kolehiyo. Walang imposible sa taong determimado.
Bago pumanaw ang Inay ko noon ay sinabi pa nitong natagpuan na daw nito ang Tatay ko at ibinigay pa sa akin ang kumpletong address nito sa Amerika. Pero isinantabi ko na lang muna ang bagay na iyon. Isa pa, wala naman akong alam sa America, baka magkandaligaw ligaw lang ako roon. Tsaka bakit kailangan ako pa ang hahanap sa kanya kung pwede namang siya ang humanap sa akin? Isa pa, paano ko naman hahanapin ang tatay ko kung wala naman akong sapat na pera?
Iginugol ko na lang ang buong araw ko sa paglilinis ng buong mansyon, pero ang isa sa pinaka pinagka aabalahan ko ay ang garden sa likuran ng mga Montelibano. Likas na napakaganda ng hardin, magarbo at makulay ang mga bulaklak. Marami ring tutubi at paru-paro na dumadapo kaya masarap pagmasdan. Hinahawakan ko ang bawat bulaklak at inaamoy amoy.
Mahilig siguro sa bulaklak ang Mommy ni sir Kier, pero nasaan nga kaya ang mga magulang ni Sir Kier at tanging ito lang mag isa ang nakatira dito at pati si Henry ay ganun din?
Hays!
Bakit ko ba sila iniisip?
Makapag dilig na nga lang!
Ang ayaw ko sa lahat ay nagiisip ako at namomroblema, nakakastress kaya!
Panget na nga ako tapos maiistress pa?
Ano na lang ang matitira sa akin?
Kinuha ko na lang ang hose para makapagdilig na. Agad kong binuhay ang gripo. Napasigaw ako dahil sa lamig ng tubig na tumama sa katawan ko.
Hindi ko napansin na nakaharap pala sa akin ang hose kaya naman sumirit iyon sa akin at nabasa ang damit ko. Pati ba naman sa pagdidilig, malas ako?
Medyo manipis pa naman ang damit ko kaya medyo bumakat ang dibdib ko. Hinayaan ko na lang muna. Sayang din kasi, kakapalit ko lang ng damit pero magpapalit na naman ako. Di bale, tatapusin ko na lang muna itong pagdidilig ko at pagkatapos ay liligo na rin ako. Tutal naman ay hapon na rin at ito na lang ang natitirang gagawin ko. Si Henry na lang muna ang sasabihan ko para magluto.
Dala dala ko ang hoss ng gripo ay binaybay ko ang buong garden, wala akong pinalampas na hindi madadaanan ng tubig dahil mas gumaganda ang bulaklak kapag nadidiligan ito. Nang matapos na ako ay pinuntahan ko muna si Henry para sabihan ito na siya na muna ang magluto dahil maliligo na ako. Hapon na, baka dumating na si Sir Kier, wala pa akong naluluto. Baka masermunan na naman ako nun.
"Henry!" tawah ko sa pangalan nito. Walang sumasagot kaya pinuntahan ko na ito sa may garahe dahil natitiyak kong nagkukumpuni na naman ito ng sasakyan.
Narinig ko naman ang pagdating ng isang sasakyan. Hala! Nandito na agad si Sir Kier? Ang aga naman niya? Lagot na ako. Hindi pa ako nakakaluto! Bumaba ito ng kotse ngunit ng mapatingin sa akin at nakakunot na kaagad ang noo.
"Magandang hapon po, Sir Kier." Bahagya pa akong yumuko. Nang mag angat akinng tingin ay nakita kong nakatingin ito sa basang parte ng damit ko. Sunod ay lumabas naman si Henry galing sa likod bahay. Akala ko pa naman gumagawa ulit ito ng makina ng sirang sasakyan.
"Oh! Bakit mo ako tinatawag A..ki..ra.." Sambit ni Henry habang nakatingin din kung saan nakatingin si Sir Kier. Naguluhan naman ako. Ano bang problema ng mga ito?
"Ahm ano kasi Henry, sasabihin ko sanang ikaw na muna ang magluto at maliligo muna ako dahil nabasa ako doon sa garden kanina habang nag didilig ---" Ngunit hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang magsalita si Kier sa tabi ko.
"Bilisan mo na Akira! Maligo kana.." utos nito sa baritonong boses. Napatungo naman ako at biglang nakaramdam ng hiya. Napatingin pa ako kay Henry at nagpaalam sa pamamagitan ng tingin.
"O-opo, Sir Kier." sabi ko at dirediretso na akong umalis sa harapan nilang dalawa. Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Habang naliligo ako ay napaisip naman ako.
"Bakit ganun ang tono ng pananalita ni Sir Kier? Galit ba siya saken?" tanong ko sa aking sarili. Para akong timang habang kinakausap ko ang sarili ko. Napabuntong hininga na lang ako. Paano ko naman kaya ito makakausap ng maayos kung palagi na lang mainit ang ulo nito sa akin? Sandali pa akong nagbabad sa shower at ipinikit ang mga mata. Nag isip at nagdasal ng mga bagay na hindi ko maintindihan.
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang aking pantulog na damit. Isang malaking t-shirt ito at short na aabot lang hanggang sa gitna ng aking hita. Bumaba na ako para kumain na ng hapunan. Panigurado naman akong kami na naman dalawa ni Henry ang magkasabay na kakain sa hapag kainan dahil palaging wala si Sir Kier. Dirediretso na ako sa kusina para naman kung hindi pa tapos si Henry ay matulungan ko pa ito.
"Henry! Tapos ka na ba magluto?" masayang tanong ko kay Henry. Nakapalagayang loob ko na si Henry dahil bukod sa ito lang ang palagi kong nakakasama at nakakausap ay mabait din ito at palagi pa akong tinutulungan sa mga gawaing bahay. Isa na dito ang pagluluto. Ito lang yata ang lalakeng nakita ko na magaling magluto.
"Oo Aki, patapos na ito. Ilang minuto na lang at ihahayin ko na." sabi naman nito. Nakita kong tinitikman na nito ang kanyang niluto. Tumango tango ito pagkatikim. Ibig sabihin ay nagustuhan nito ang lasa ng sariling niluto.
"Okay, sige. Ako na ang bahala sa mga plato at kutsara natin," presinta ko naman. Naglagay lang ako ng tigdadalawang plato, kutsara, tinidor at saka baso sa lamesa. Nagtimpla na rin ako ng juice para sa aming dalawa.
Pagkatapos maihayin sa hapag kainan ang nilutong adobong manok ni Henry ay sabay na kaming umupo sa mesa at nagsimula na kaming kumain ng may biglang nagsalita sa harapan ng mesa.
"Where is my plate?"
Dahan dahan akong nag angat ng tingin at nakita ko si Sir Kier na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin kaya bigla akong napatayo.
"Naku! Sorry Sir Kier, akala po kasi namin ni Henry ay hindi po kayo sasabay samen ngayon," paliwanag ko at nagmadali na akong pumunta sa kusina para ikuha ito ng gagamitin niya sa pagkain. Iniabot ko pa sa kanya ang kanin at ang nilutong adobo ni Henry. Nang matapos nang kumuha ay saka lang ako bumalik sa kinauupuan ko kanina. Sa tabi ni Henry. Tahimik na kaming kumakain ng muling magsalita na naman si Sir Kier.
"Don't do that again, Akira." biglang sambit ni Sir Kier sa gitna ng aming pagkain.
"Po?" naguguluhan kong tanong. "Ano pong nagawa ko?" nagtatakang tanong ko. May nagawa na naman ba akong mali? Inisip ko naman ang ginawa ko buong maghapon. Okay naman ah! Nalinis ko naman lahat. Alam kong pulido at walang natirang dumi sa mga gamit ay mwebles.
"Ang magsuot na kagaya ng damit mo kanina, hindi mo ba alam na dalawa kaming lalake na kasama mo dito? Kulang na lang kanina ay makita iyang dibdib mo." Galit na sabi nito. Napatungo naman ako at nakaramdam ng hiya. Hindi ko naman sinasadya na mabasa ang damit ko kanina.
"Pasensya na po kayo, Sir Kier. Hindi ko po talaga sinasadya na mabasa ang damit ko kanina. Hindi na po mauulit," pag sang ayon ko sa gusto nito.
Bilang pumasok sa isip ko ang balak ko pagpapaalam.
Siguro naman ay ito na ang tamang oras para makapag paalam na ako sa kanya. Total, nandito naman si Henry, may makakatulong pa rin naman siya kahit wala na ako dito. Wala ibang mahalaga sa akin kundi makapag aral ako at makapagtapos.
"Sir Kier?" agaw pansin ko. Tumingin naman ito sa akin pero nakakunot ang noo.
"Why?" tipid na tugon nito.
"Kelan po pala darating yung kapalit ni Tiyang Loleng na katulong mo po dito?" paunang tanong ko. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa dahil para naman ito sa future ko. Kinakabahan naman kaagad ako sa pangalawa kong itatanong dahil nagbago ang timplada nito. Humigpit ang hawak sa kubyertos at gumalaw ang prominenteng panga habang nakatingin ng diretso sa akin pero agad din nagbawi ng awra. Napabuntong hininga pa ito bago sumagot sa tanong ko.
"I'm sorry pero wala pa akong mahanap," anito at inalis na ulit ang tingin sa akin. Itutuloy na sana nito ang pagkain ng muling matigilan dahil sa muling pagtatanong ko.
"Pwede na po ba akong umalis kahit wala ka pa pong nahahanap?" muling tanong ko. Napansin kong tuluyan na nitong ibinagsak ang kubyertos sa plato nito.
"No, Akira. Tapusin mo na ang pagkain mo at tigilan mo na yang kakatanong mo sa akin ng nga ganyang bagay."
Bumagsak ang pag asa ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Tila nawalan ako ng gana sa sagot ni Sir Kier sa akin pero pinilit ko pa ring ubusin. Hindi na ako nagsalita hanggang matapos kaming kumain. Panaka nakang sulyap na lang ang ginawa ko kay Sir Kier na seryoso na naman ang mukha.
Ako na ang nagpresinta kay Henry na maghugas ng aming pinagkainan. Hindi naman na ito nakipagtalo. Tinulungan na lang ako nitong dalhin sa lababi ang aming pinagkainan. Habang si Sir Kier at dirediretsong umakyat sa itaas ng hagdanan papasok sa kanyang silid.
Okupado ang isip ko ng pag aaral ko kaya naman hanggang sa makatapos na ako sa paghuhugas ay tulala pa rin ako. Naghugas ako at nagpunas ng kamay pagkatapos ay malungkot na umakyat na sa aking kwarto. Nakatihaya akong himiga sa kama. Nakatitig sa kisame, ang daming tumatakbo sa isipan ko. Nahihirapan akong mag isip kung paano ako makakaalis sa mansyon na ito. Nahihiya naman akong magsabi kay Tiyang Loleng ng tungkol dito dahil maayos ang usapan namin na kapag nakahanap lang si Sir Kier ng bagong katulong ay saka lang ako makakaalis. Pero paano naman kaya? Mukhang wala namang nag-a-apply dito.
Di bale, tatanungin ko na lang ulit si Sir Bukas. Kahit magalit pa siya!