Abalang-abala ako sa paglalaba sa likod ng mansyon. Mas pinili kong gamitin ang mga kamay ko kesa sa washing machine na itinuro sa akin ni Tiyang Loleng. May ginawa din akong mahabang sampayan sa malawak na bakuran sa likuran malapit sa hardin dahil mas gusto kong matuyo sa sikat ng araw ang mga damit kesa sa Dryer na ginagamit ko doon. Isa pa, inaabot ako ng siyam siyam kapag gumagamit ako ng washing machine sa paglalaba.
Tinanggal ko muna saglit ang aking salamin sa mata dahil nakakasagabal iyon sa aking paglalaba dahil lumalabo iyon sa tuwing pagpapawisan ako. Hindi pa naman masyadong malabo ang mga mata ko, nakikita ko pa naman ang mga tao, huwag lang masyadong malayo. Isa pa, gusto kong palagi kong isuot ang salamin na binigay sa akin ng aking inay. Ito na lang din ang nag iisang ala-ala ni nanay sa akin kaya talagang iniingatan ko. Kahit mukha akong matanda dito kapag ito'y suot ko ay ayos lang sa akin. Isa pa wala naman akong pakialam pagdating sa hitsura ko. Panget man ako sa paningin ng iba dahil sa panlabas na anyo ko ay nasisigurado ko naman na mabuti ang aking kalooban.
Tumigil ako saglit sa pagbabanlaw ng mga damit dahil naisipan kong buhayin ang radio ng cellphone kong di keypad pa dahil hindi afford ni Tiyang Loleng ang bilhan ako ng mamahaling cellphone. I'm not blaming her. Thankful pa nga ako dahil kahit papaano ay may nagagamit akong gadgets.
Sakto naman ang kantang "Kendeng-kendeng ni Willie Revillame ang tumutugtog sa paborito kong istasyon. Napangiti ako. Sumayaw ako at sinabayan ko pa ng pagpilantik ng pwet ko habang nagsasampay ako
Pinagalaw ang balakang ayon sa steps na nakikita ko sa television. Nag eenjoy na ako, hindi ko pa napapansin ang paglipas ng oras habang nagsasampay na ako.
Wala akong pakialam kung naiinitan na ang balat ko. Mas gusto ko pa ngang medyo umitim ako ng konti at maging tan ang balat ko dahil sobrang puti ko na. Siguro ay nagmana ang kutis ko sa Tatay kong Amerikano kaya ganito ako kaputi ang kulay ko.
Feel na feel ko ang aking pagsayaw at pagkanta habang nakapikit. Napahinto naman ang pagsayaw at pagkanta ko ng biglang mawala ang tugtog. Nagtaka ako kaya napalingon ako sa bandang likuran ko at bumungad sa akin ay ang mukha ni Kier na hindi maipinta.
"Akira, anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka naglalaba sa labas at kainitan ka pang nagsasampay diyan?" iritableng sermon ni Sir Kier. Napatda naman ako at natigil ang kasiyahan ko sa pagkanta at pagsayaw. Sayang at nasa chorus pa naman na ako.
Nagulat ako ng hawakan ako nito sa braso at pinakatitigan ang balat ko. Pagkatapos ay nakakunot ang noong tumingin sa akin.
"Tingnan mo nga yang balat mo oh! Pulang pula na!" gigil na sabi nito sa akin sabay tawag nito kay Henry.
"Henry!" pasigaw na tawag nito. Ilang sandali lang ay dumating naman si Henry na may bula pa ng sabon ang mga kamay. Mukhang naghuhugas pa ito ng plato. Naistorbo pa ng dahil sa akin.
"Ano po iyon, sir Kier?" nag-aalalang tanong ni Henry dahil hindi na naman maipinta ang mukha ni Sir Kier. Lagi na lang galit kahit wala naman akong ginagawang mali.
"Ikaw na ang tumapos ng sinasampay ni Akira," utos nito kay Henry.
Nagprotesta naman ako kaagad.
"Naku, Sir. Ako na po. Nakakahiya naman po kay Henry," nakayukong sabi ko.
"No!" Matigas na sabi nito sabay hila sa akin papasok sa loob ng bahay. Pilit ako nitong pinaupo sa sofa. Dumiretso ito sa kusina at kinuha ang medicine kit. May kinuha sa loob noon at saka iniabot sa akin.
"Here! Apply it to your skin," utos ulit nito.
"P-po?" ulit ko.
"Are you deaf?" nauubusan ng pasensiyang sabi nito sa akin.
Naintindihan ko naman ang sinabi nito pero di ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan ko pang maglagay nun sa balat ko gayong sanay naman ako sa initan lalo na sa probinsiya namin dahil palagi namang ganun ang ginagawa ko.
"Just, do it!" maawtoridad na utos ulit nito kaya agad kong kinuha iyon sa kamay nito. Pakiramdam ko, bawal kong suwayin ang lahat ng iniutos nito sa akin. Bawal din akong tumanggi.
Nakatayo lang ito doon at pinapanood ako habang inihahaplas ko sa balat ko ang sa tingin ko ay mamahaling ointment. Hindi naman ako naging komportable sa pagpapahid dahil pinapanood ako nito. Medyo awkward lang sa feeling nakabantay sa akin ang amo ko.
"Salamat po dito sa gamot sir Kier pero ayos lang naman po ako dahil sanay naman po ako sa initan." sabi ko rito pagkatapos kong malagyan ang buong braso ko.
"Wag mo ng uulitin yun, Akira," sabi nito at mabilis ng umalis sa harapan ko na parang walang nangyari. Natulala naman ako sa inasal nito. Nagpainit lang galit na?
Nang maalala ko naman na si Henry ang tumatapos ng sampayin ko ay pinuntahan ko kaagad ito sa likod ng mansiyon.
"Oh? Akira! Bakit nandito ka?" gulat na gulat na sabi ni Henry sa akin.
"Tutulungan ka," maikling sagot ko. Kumuha ako ng hanger at damit pero agad na pinigilan ni Henry ang mga kamay ko na agad din binitawan. Para itong napaso sa braso ko.
"Ano aba Akira? Kapag nakita ka ni Sir Kier na bumalik dito sigurado ako pareho tayo nun pagagalitan. Sige na doon ka na lang sa loob ng bahay at maghanap ka na lang ng ibang gagawin," pagtataboy ni Henry sa akin.
Nakaramdam naman ako ng awa kay Henry. Kung mapapagalitan pa ito ng dahil sa akin ay mas nakakahiya na kaya sinunod ko na lang ang sinabi nito.
"Sige, Henry. Ikaw ang bahala. Pasensya ka na. Nadamay ka pa," nahihiyang sabi ko. Kinuha ko na lang ang cellphone kong naiwan kanina at bagsak ang balikat na umalis.
Naalala kong malapit na rin ang hapunan kaya naisip ko na ako na.lang muna ang magluluto ng kakainin namin para mamaya. Dumiretso ako sa kusina. Tinignan ko ang ref kung ano pa ang pwede kong lutuin. May stock pa naman kami ng baboy, nakakita pa ako ng gulay na pwedeng ilahok. Pwede siguro akong magluto ng nilagang baboy. Inilabas ko ang mga iyon sa loob ng ref at isa-isang hinugasan. Kinuha ko rin ang panghiwa at ang sangkalan.
Sakto naman na naghihiwa ako ng karne ng tawagin ako ni Sir Kier, nagulat ako at nahagip ng kutsilyo ang dulong daliri ko. May phoebia na yata ako sa boses ni Sir Kier. Nang makita ko ang dugo mula sa kamay ko ay namutla ako. Bata palang ako ay takot na ako sa dugo. Struggle nga sa akin kapag nagkakaroon ako ng menstruation.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa daliri kong panay ang tulo ng dugo.
Hanggang sa narinig ko na lang ang malutong na mura ni Sir Kier.
"f**k! Ano bang ginagawa mo Akira!" galit na sabi nito. "Bakit hindi ka nag iingat?" hinawakan nito ang kamay ko at itinapat sa gripo ng lababo para mawala ang dugo habang ako naman ay nananatiling nakatulala lang. Pakiramdam ko ay tatakasan na ako ng puso ko sa tindi ng aking takot.
Kumuha ito ng band aid at inilagay iyon sa hintuturo ko.
"Hey, Akira?" agaw-pansin nito sa akin ng makita nitong hindi ako nagsasalita at nakatitig lang sa daliri kong may band aid na ngayon. Pakiramdam ko ay noon lang ako nahulasan. Napahinga na lang ako ng malalim ng makita kong ayos na ang daliri ko at wala na akong nakikitang dugo.
"S-sorry po, Sir Kier. Pero ano pong kailangan nyo at bakit nyo po ako tinatawag kanina?" tanong ko rito. Hahawakan ko na sana ulit ang kutsilyo ng pigilan ako nito.
"Wag mo ng hawakan, ako na lang ang maghihiwa ng mga yan at ikaw na lang ang magluto." sabi nito sa akin.
Sinimulan na nitong hiwain ang karne ng baboy. Nahiya namana ako sa galing nito sa paghihiwa ng karne at gulay.
"Chef ba 'to?" sa isip isip ko.
"Sa susunod mag-iingat ka na sa bawat kilos mo dahil hindi sa lahat ng oras ay may tutulong sayo," paalala nito sa akin. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi. Tama naman ang sinabi nito pero hindi naman ako mahihiwa ng kutsilyo kong hindi ito bigla-bigla na lang sumusulpot.
Naninisi kaba Akira?
"Magluto kana," utos nito, "Aalis lang ako saglit dahil may kukunin ako sa opisina pero dito ako kakain ng hapunan." pahabol na bilin nito sa akin. Tumango na lang ako sa amo ko at sinimulan na ang pagluluto.
"Kelan kaya ako makakaalis sa mansyon na 'to?" bigla ay nasambit ko ng makaalis na si Sir Kier sa tabi ko. Bumuntong hininga ako na parang napakabigat ng pinoproblema ko at ipinagpatuloy na ang pagluluto.
Eksaktong oras na nang hapunan ng dumating si Sir Kier pero hindi ito nag-iisa dahil may kasama itong babae.
"Yan ba ang sinasabi niya na kukunin sa kaniyang opisina?" Lihim na bulong sa akin ni Henry. Natawa naman ako sa sinabi ni Henry dahil naikwento ko kay Henry na dito maghahapunan si Sir Kier.
Eksaktong papalapit na si Sir Kier sa dining table at ang kasama nitong babae kaya nakita nitong nagbubulugan kami ni Henry at nagtatawanan pa.
"What's funny?" tanong nito nang makalapit sa pwesto naming dalawa ni Henry. Salitan ang tingin niya sa aming dalawa at mababakasan ng iritasyon ang hitsura.
"Ahh wala po Sir, naalala lang po namin ni Henry yung ginawa po namin kanina," paliwanag ko pero mukhang hindi maliwanag para rito ang sinabi ko dahil lalong dumilim ang awra nito.
"At ano naman ang ginawa ninyong dalawa?" Tila galit ng tanong nito. Nagulat naman ako sa paraan ng pagtatanong nito sa aming dalawa ni Henry. Ano bang pwede kong sabihin na ginawa namin kung wala naman talaga?
Si Henry na ang sumagot para sa akin. Nahalata yata nito na natigilan ako bigla.
"Wala yun Sir Kier, ito pong si Akira, mahilig lang talaga mag-Joke kaya po nagtatawanan kami. Yung ginawa naman po naming tinutukoy niya ay siguro po tung sa aktingan ng baliw-baliwan. Yun po siguro ang ibig niyang sabihin." alibi ni Henry na sinegundahan ko naman agad.
"Opo Sir, yun nga po ang ibig kong sabihin."
"Hon, huwag mo na silang pansinin, Okay? Hayaan mo ng mag-enjoy sila sa pinag uusapan nila." pakikisali naman ng babae. Napansin kong bahagya ako nitong kinindatan kaya nginitian ko ito.
Tumayo na ako at ikinuha ang babae ng karagdagang plato at kutsara dahil sakto lang sa aming tatlo ang inilagay ko kanina dahil hindi naman nagsabi si Sir Kier na may isasama pala itong bisita.
"Okay. Let's eat!" sabi ni Sir Kier sa amin.
"Thank you," Sabi pa ng babae sa akin.
Ramdam kong mabait ang babae. "Sa wakas nakahanap din si Sir Kier nang tamang babae para sa kanya." Lihim ako napangiti dahil sa isiping iyon.
Ngiting hindi ko alam kung totoo.