CHAPTER 46

1676 Words

Nakatingin lamang sa malayo si Austin habang nakaupo sa may sofa na nasa living room ng bahay. Kakauwi lamang niya dahil natapos na ang libing kanina ng kuya niya. Mababakas sa mukha ni Austin ang matinding kalungkutan at pighati na nararamdaman. Napakabigat para sa kanya ng mga nagdaang araw na parang gusto na rin niyang burahin sa kalendaryo. ‘Parang kailan lang kasama ko pa siya, noong nakaraan lang… lagi niya akong pinagsasabihan at binibigyan ng payo… pero ngayon… wala… tuluyan na siyang nawala,’ madamdaming wika ni Austin sa kanyang isipan. Nakakalungkot isipin na naiwan na naman si Austin. Kung dati, mas natanggap niya nu’ng naiwan sila ng mga magulang dahil nandyan pa naman ang kuya niya para sa kanya ngunit ngayon, hindi niya lubos matanggap ang lahat dahil nag-iisa na lamang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD