“Thunder!” malakas na pagbanggit ni Austin nang makita niya si Thunder na nakapasok na ng bahay. Kaagad itong napatayo mula sa kinauupuan at nilapitan ito. “Ano bang nangyayari?” tanong ni Thunder. Hindi nito mapigilang ipakita ang pag-aalala para kay Austin na nakatayo na sa harapan niya. “S-si Kuya kasi… hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi,” garalgal na sambit ni Austin. “Kinakabahan ako,” wika niya pa. “Baka naman ginabi lang ‘yun sa pag-uwi,” saad ni Thunder. “Mamaya rin nandito na ‘yun kaya huwag kang masyadong mag-alala,” aniya pa. “Pero Thunder… hindi ko mapigilan,” saad ni Austin. “Kilala ko si Kuya, ugali na nun na kapag gagabihin siya sa pag-uwi ay magtete-text siya o tatawag sa akin para ipaalam iyon. Pero until now… until now ay hindi ko rin makontak ang phone ni

