“The number you have dialled is out of coverage area. Try your call later… The number you have dialled-” Mabilis na ibinaba ni Austin ang tawag at muli siyang tumawag ngunit kagaya kanina, ganun pa rin ang naging sagot sa kanya sa kabilang linya. “Kuya, gabing-gabi na at hindi ka pa umuuwi. Nasaan ka na ba?” hindi mapakaling tanong ni Austin habang nakatitig sa hangin. Nagpabalik-balik pa ito sa paglalakad sa living room ng bahay nila. Ilang sandali lang ay muling tinawagan ni Austin ang kuya niya pero ganun pa rin ang naging sagot sa kabilang linya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang sama ng kutob niya sa hindi pagsagot ni Brandon sa tawag niya. Sobra ang kabang nararamdaman niya. Hindi naman kasi ganito ang kuya ni Austin. Hindi ito iyong tipo ng tao na uuwi ng gabing

