Abala sa ginagawang trabaho si Thunder sa laptop nito. Nakatutok ang mga mata niya sa screen, nagbabasa saka magta-type sa keyboard. Abala rin si Austin na marami ding ginagawa at sumasabay pa ang sunod-sunod na tawag at chat sa kanya ng mga investors at mga stockholders na nagpapa-set ng meetings kay Thunder. “Daddy, punta tayo sa Manila Ocean Park please?” Tumigil muna sa ginagawa si Thunder at tumingin sa anak na si Winter na naka-indian sit sa ibabaw ng mahabang sofa habang nakatingin ito sa kanya. Hawak-hawak nito ang tablet na kanina pa nito nilalaro. Isinama niya ito ngayon sa kumpanya niya at dito sa office para maging pamilyar na ito sa itsura ng isang kumpanya at opisina para sa paglaki nito, alam na nito dahil ito na ang mamahala sa kumpanya sa pagdating ng panahon. Kumbaga, i

