Nakatitig lamang sa kanyang laptop si Thunder habang nakaupo sa swivel chair nito. Malalim ang kanyang iniisip. Hanggang ngayon ay naiisip niya ‘yung nakita niya sa loob ng coffee shop nang magpunta siya doon kanina para bumili ng kape. ‘Magkakilala silang dalawa? Ano kayang ugnayan nila sa isa’t-isa?’ pagtatanong ni Thunder sa kanyang isipan. Ang dalawang tanong na ‘yan ang pinakamalaking tanong na bumabagabag sa kanya sa kasalukuyan at matindi niyang ipinagtataka. Kanina ay nakita niya si Patrick Lagman, ang dating investor at stakeholder sa kumpanya niya sa Baguio na nag-atras ng investment nito at kasama si Charmaine na kung makalingkis sa lalaki ay para itong walang asawa. ‘Magkarelasyon kaya ang dalawa? Kung ganun, niloloko lang pala ng babaeng iyon si Brandon?’ sa isip-isip niya

