Nakaupo nang padekwatro si Thunder sa swivel chair nito sa loob ng opisina habang nakatingin sa hawak niyang smartphone. Kakabasa lamang niya ng isang text na galing kay Austin. “Sir, hindi muna ako makakapasok ngayon. May importante lang akong aasikasuhin. Pasensya na kung ngayon lang ako nakapagpaalam.” Bahagyang napanguso ang ibabang labi ni Thunder. Hindi niya maiwasang isipin iyong nangyari kahapon sa park. ‘Totoo nga kayang may aasikasuhin siya? O baka naman dahilan lang niya iyon para hindi talaga siya pumasok ngayon dahil sa hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng hiya sa akin?’ Nagkibit-balikat na lamang si Thunder. Tumingin siya sa office desk ni Austin na nasa loob rin ng kanyang opisina. Napahinga nang malalim si Thunder. ‘Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit par

