Tulala habang nakatingin sa malayo si Austin. Nakatayo siya ngayong mag-isa sa terrace ng bago nilang bahay at malalim ang iniisip. Isang tao lang naman ngayon ang kanyang naiisip at iyon ay si Thunder. Hindi mapigilan ni Austin na isipin si Thunder kung kagaya niya ba, may gusto na rin ba ito sa kanya. Sa mga pinapakita nitong kilos kapag nandyan siya, sa pagtingin nito sa kanya na pakiramdam niya ay kakaiba, pakiramdam niya ay iba. Napahinga siya ng malalim. Sa totoo lang, hindi niya mapigilang hindi umasa na parehas sila, parehas silang may gusto sa isa’t-isa. ‘May gusto nga ba siya sa akin o umaasa lang ako?’ pagtatanong ni Austin sa utak niya. ‘Bakit nga ba ako umaasa ng ganito?’ tanong niya pa sa kanyang utak. ‘Kasi gusto ko siya? O baka naman… mas lalo na akong nahulog sa kanya. I

