Chapter 6

1693 Words
Who Collie Alvaro Dela Merced "O? Napano iyang long time love of your life mo bunso? " sabay lapit ng mga kuya ko sa akin. " Baka siguro lumipad kuya. Kitang nahimatay na e" inis kong saad sa kanila. Akmang iiwanan na ako ng dalawang kumag na hindi man lang ako tinanong kung kailangan ko ng tulong. "Mga kuya naman e! Tulungan niyo ako rito. Hindi ko feel magbuhat ng mabigat, kapag ako! " mukhang nakonsensya naman ang dalawa. "Naku! Pasalamat ka bunso at malakas ang kapit mo sa amin"  sabi ni kuya Keel. "Thank you" sabay ngiti ko. Iyon nga ang nangyari. Binuhat ng dalawa si Nathelio papunta sa aking kwarto, huwag kayong ano diyan, bibihisan ko lang siya, not like I am guilty. Haish. "Bunso ha? Huwag gagawa ng bata, bata ka pa" matawa tawang biro ni Kuya Kees. "Heh! Pinaglololoko niyo na naman ako mga kuya e. Alis na nga kayo rito" sabay gesture ko na parang nagtataboy ng aso, ganon! "Basta bunso. H'wag isasara ang pinto. Baka pasukin ka" sabay takbo ng dalawa habang humahagalpak. Mga ungas talaga ang mga 'yon. Buti at dumating si Ate Chellten na may dalang isang basin ng maligamgam na tubig at towel, kasama pa ni ate sila Ate Croix at Kuya Vino. "Bhe, ang sarap naman ng nakahiga sa kama mo" humahagikgik na wika ni Kuya Vino na dahilan upang makatanggap ito ng lumalagatok na hampas kay Ate Croix. "Bakla, ang tanda tanda mo na feeling teenager ka pa! Ibalato mo na 'yan kay Collie. " Umirap naman si Kuya Vino. "O siya, marami pa naman akong reserba" "Ikaw na ang bahala sa bisita mo Collie. Tawagin mo na lang kami kung may kailangan ka pa" sabay alis ng tatlo. Lumipas ang isang minuto na tanging ang naririnig ko lamang ay ang ingay sa labas at ang tunog ng Electric Fan sa aking kwarto. Napalunok na lang ako ng marealise ko na kailangan ko pang alisin ang damit nitong lalaking ito. Napatingala naman ako at mahinang nagdasal. D'yusko, patnubayan niyo po sana ako at huwag papabayaang matangay ng tukso. Muli ay ibinaling ko ang tingin ko sa maamo niyang mukha. Labag man sa damdamin ko ay paunti-unti kong inalis ang pagkakabotones ng kanyang polo at inalis ang kanyang damit. Ngayon ay naka boxer brief na lang siya. Medyo.. Malaki. Collie! Ang bad mo! Umiling na lang ako. Isinawsaw ko na ang wet cloth sa basin at piniga. Marahan at habol hininga kong pinunasan ang mala adonis na katawan ng binatang ito. Kapag talaga nawala ang ispirito ng alak sa katawan ng lalaki na ito ay pakialala sa akin na ito-torture ko ang lalaki na ito, nagkakasala ako. Matapos ko siyang nilinisan at itinutok sa kanya ang Electric Fan ay pumunta muna ako sa kusina upang magtimpla ng kape na walang asukal, the best na pampawala ng kalasingan. Ng pumasok muli ako sa aking silid ay nakita ko siya na nakatulala at nakatingin lamang sa isang dereksyon. "Kape o" sabay lapag ng umuusok pa na inumin sa isang maliit na lamesa. "Collie.. " bulong niya. " Collie! " sabay yakap niya sa akin ng mahigpit na dahilan upang mapasinghap ako. " H-hindi na a-ako makah-makahinga! " lumayo siya sa akin at nakita ko siyang umiiyak. " Collie sorry na. Bati na tayo" at niyakap niya akong muli. Ramdam ko ang pag-agos ng kanyang luha na pumapatak sa aking balikat. Animo'y bata siyang humihikbi, totoo ba ito? Hindi ko namalayan na umaagos na rin ang masaganang luha sa aking mata. Bakit kasi ang unfair! Kung kailan ako lumalayo roon siya lumalapit. Bakit kung kailan unti-unti ko ng natutunang mabuhay ng wala siya roon pa siya magbabalik. Bakit ba hindi ko siya kayang tiisin!? "Collie patawad sa pagkukulang ko, sa pagbabalewala ko sa'yo, patawad kasi hindi ako naging mabuting kaibigan. Collie! Patawad na" napapikit na lang ako. "Matapos kitang patawarin ano na? Hindi mo na naman ako kikibuin? Ayos na ang lahat at pinapatawad na kita. Kung humihingi ka ng sorry kasi nagi-guilty ka, don't. Ayos na ang lahat" tiningnan niya ako ng seryoso sa mukha. "Collie hindi ako guilty kaya ako humihingi ng sorry, humihingi ako ng sorry dahil alam kong may pagkukulang ako, because finally I'm aware na mali lahat ng ginawa ko. Kung gusto mo'y hihiwalayan ko na si Clarissa mabalik lang 'yong dating tayo. " " Hindi mo na kailangan na gawin 'yon sapat na ang maging kaibigan kita" "Pinapatawad mo na ako? " biglang sumigla ang mata nitong punong-puno ng kalungkutan, pasalamat ito at kasing Cute niya si Nay ng Love's Coming na Gay Thai. " Oo na " hindi ko mapigilang matawa sa kakulitan ng lalaking ito. Sure he's my bestfriend, pero hanggang doon na lang 'yon, I won't let my guards down. From now on I will learn my limitations, alamin ang dapat maramdaman at ang hindi. As what I should do, bestfriend ang role ko sa buhay niya, who I am to be more than friends to him anyway? "Kung bati na tayo. Kiss mo muna ako sa lips hehe. " sabay maloko niyang ngiti at nguso na akmang hahalikan ako, pero hinarang ko ang aking palad sa mukha niya. " Heh! Magtigil ka at matulog ka na, doon na ako sa sala. " " Sa sala ka matutulog? Pwedeng tabi na lang tayo? " sabat puppy eyes niya, lecheng bata ito. " Che! Anong tabi ka d'yan. Bawal! Hindi ako sa sala matutulog kundi sa kwarto ni Ate Chellten. " sabay irap sa kanyan. " Hehehe ganon ba? Sige. Goodnight na Bestpren" "Ganoon din sa'yo" Maaga akong nagising at tinulungan si Nanay na maghanda ng kakainin sa almusal. Si Ate Chellten kasi ay maagang pumasok sa trabaho habang ang mga barako sa bahay including my two lovely brother si Itay at si Nathelio ay mahimbing pang natutulog. Well, late na rin kasi silang natulog - at mga natural na batugan as what I am saying. "Bunsoy paki bati 'yung mga itlog sa mangkok, tapos paki bati na rin yung mga itlog ng mga kuya mong batugan ng magising na. " natawa naman ako ng bahagya sa biro Inay. " Nay, ang hard n'yo sa mga kuya" tumawa rin siya ng bahagya. "Nagbibiro lang ang Nanay mo 'nak, pero oras na hindi sila magising. I won't hesitate na gawin iyon" sabay ngisi ni Inay, astigin. Diretso ako sa kwarto ng dalawa kong kapatid na lalake. Iisa lang ang kwarto nila at tabi sila sa isang Queen size bed. Nakita ko sila na mahimbing na humihilik habang yakap-yakap ang isa't-isa na parang mga tuko, tulo laway pa. May naisip tuloy ako. Kinuha ko ang may kalumaan ko ng cellphone at kinuhanan ko sila ng larawan, malas lang at mayroon palang sound at flash! "H-hoy ano iyan! " sigaw ni Kuya Kees na unang nagising, tawa lang ako ng tawa. Siguradong babayaran ako ng malaking halaga ng mga Fangirls nila kuya kung ibebenta ko ang mga larawan na ito, lalo na't nakaboxer brief lang ang dalawa sa picture. " Bumangon na raw kayo d'yan sabi ni Nanay at baka mabati mga itlog n'yo" sabay mahina kong hagikgik. Sumimangot naman si Kuya Kees at ginising si Kuya Keel. "Kuya Keel, tingnan mo si bunsoy. Kinuhanan tayo ng larawan" bigla namang nagising si Kuya Keel na mukhang hindi maganda ang timpla ng mukha. "Pwede ba?! Tumahimik kayo?! Ang ingay-ingay niyo naman! Ikaw Collie?! Akala mo nakakatuwa iyang ginagawa mo?! " bigla akong natahimik sa biglang pagsigaw ni Kuya sa akin. Alam ko naman na may hangover siya at hindi maganda ang gising niya, pero aaminin ko na nasaktan ako sa unang beses na pagsigaw niya sa akin. " Sorry po... " halos pabulong ko na lang na pagkakasabi. Hindi ko alam pero ramdam ko na nag-aambang pumatak ang luha ko kaya mabilis na akong lumabas sa kwarto at dumeretso sa aking silid. Kita ko na mahimbing pa rin na natutulog si Nathelio. " N-nath, gising na" sabay malalim na hininga habang ginigising siya. "Ay, umaga na pala Good- Umiiyak ka ba? " hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang aking luha. Mabilis niya akong yinakap at sa kanyang dibdib, doon ako humikbi. " Shh, tahan na, ba't ka umiiyak? " pag-aalo niya sa akin. " W-wala" humihikbi na parang bata kong dahilan. Ilang minuto bago niya ako napatahan at yinaya ko na siya sa kusina upang mag-almusal, pinahiram ko na rin siya ng over size kong damotna fit na fit sa kanya. Tahimik na awkward kaming na-upo sa hapag-kainan, tiningnan naman ako ni Kuya Keel na mukhang nagi-guilty, nag-iwas lamang ako ng tingin. "Ba't namumugto iyang mata mo bunsoy? " seryosong tanong ni Itay. " W-wala ho" mahina kong tugon. Muli ay nilamon ang hapag ng nakakasulasok na katahimikan.  "Ako po ang may kasalanan. Nasigawan ko si bunsoy" pa-amin ni Kuya. Pabagsak at pa-asik na tiningnan ni Itay si Kuya at kwinelyuhan niya si Kuya na agad kong inawat. "Nababaliw ka na Keel! Alam mo naman ang kalagayan ng kapatid mo a?! Sana naman kung anong ginawa ng bunsoy pinagpasensyahan mo na lang! Kung ingatan nga natin siya'y parang babasagin na pinggan tapos minsan mo lang siyang sisigawan! " yumuko lang si Kuya at hindi umimik. Itinulak siya ni Itay at umalis na sa Kusina at diretso na sa kanyang kotse. Yinakap naman ako ni Kuya at patuloy na sinasambit ang salitang sorry. " Ayos na kuya" sabay yakap ko sa kanya at punas ng kanyang luha. "Kumain na tayo. At Keel" sabay tingin ni Inay kay kuya. "Grounded ka. Mag-uusap kayo ng Itay mo mamaya. Pakiremind akong sasapakin ko ang Itay mo sa pagwo-walk out sa grasya. " sabay ngiti ni Inay.  Araw ng lunes at tapos na ang klase. Absent daw si Riss dahil sa may mahalaga itong pinuntahan, ganoon din kay Edmerald. Si Nathelio naman ay kasama ang GF niyang bratinela na buong araw masama ang tingin 'kin, napaghahalataan. Mabuti na lamang at nakapag-usap na kami nila itay, inay at kuya. Nasermunan pa nga ang padre de pamilya namin kasi nga ganoon daw ang inasal niya habang nasa harap ng bisita at grasya. Mabuti at ayus na sa bahay. Ang pinagtatakahan ko lang ay pinauuwi ako ng maaga ng mga magulang ko dahil sa may bisita raw kami. Noong sinasabi pa nga nila sa akin iyon ay parang kinakabahan sila at ewan, lungkot? Hindi ko alam ngunit, bigla na lang kumabog ng mabilis ang aking dibdib dahilan upang hawakan ko ito. Heart. Anong nangyayari sayo? Iniisip ko lang naman kung sino iyung bisita ni Inay.  The who kasi siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD