Chapter 5

1926 Words
Shame Collie Alvaro Dela Merced  Huminga ako ng pagkalalim lalim. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Sure, umandar ng apat na beses ang ninja skills ko at naka-iwas kay Edmerald ng ilang beses, pero walang kasiguraduhan kung magagamit ko pa ang lucky charm ko sa oras na ito. Ano ba kasing nakain ko at naisipan kong magpaka naughty? Iyan tuloy hirap na hirap akong magtago kay Riss at Edmerald. Ano ba itong pinasukan ko, hays. Ilang araw na rin akong kinukulit ni Nathelio na makipag bati sa kanya pero hindi ko na lang siya pinapansin. Ang mahirap sa kanya, siya itong may kasalanan, siya pa ang may ganang magalit. Na kesyo raw bakit hindi ko siya bigyan ng chance and so on. Binibigay lang naman kasi ang chance sa isang taong deserving. Ang kapal talaga ng mukha niya, dinadaan pa ako sa pa cute niya. Iniyakan ko na siya kaya h'wag na siyang umasa na kakausapin ko pa siya. Hinawakan ko na ang strap ng bag ko at ipinagpasa d'yos ko na lang na sana ay hindi magkrus ang mga landas namin. Hirap na hirap na nga akong umiwas kay Thelio, pati ba naman kay Edmerald. Inis! Tinungo ko na ang Building ng Biv at pumasok sa Grade 12 Section II. Ang first Subject namin ay Practical Research 2. Naranasan niyo na ba iyong tipong gusto mong matapos na ang araw kaso ay napaka bagal ng oras. Badtrip din e. First Subject pa lang pero gusto ko ng umuwi. Parang drain na drain ang energy ko. Mabuti at nagbell na, hudyat na oras na ng Recess. Oras na naka-alis na ang lahat ng mga estudyante sa Room namin ay kinuha ko na agad ang lunch Box ko na naglalaman ng isang Bottled Juice at dalawang sandwiches. Hindi na rin kasi ako nagagawi sa Cafeteria dahil sa pag-iwas. Para na rin i-reduce iyung probability na mag-cross ang landas namin. Kung nagkataon ay baka hilingin ko sa lupa na lamunin ako nito. Wala sa sarili kong nginunguya ang aking sandwiches ng may kumatok sa pinto at niluwal nito ang isang lalaki at isang babae na kapwa nakatingin sa akin. Kung pwede lang sana akong tumalon sa bintana at tumakas sa dalawang nilalang na nakatingin sa akin ng seryoso ay bakit hindi ko gagawin? Bullet proof nga pala ang mga glass window. Lumapit sila sa akin at pinalibutan ako. "You should have better excuses sa pag-iwas mo sa amin baby Collie " seryoso at nakakakaba ang tono ng pananalita ni Riss." Iba kaming magalit diba Ed? " Tiningnan naman ako ni Edmerald na walang ekspresyon sa mukha. Galit ba siya sa mga sinabi ko sa text. Baka naman mababa na ang tingin niya sa akin. Hindi ko siya masisisi. Natural na sa mga lalake na ang tingin sa amin ng karamihan ay mga bastos at kaladkarin. "Right" napakagat na lang ako sa labi. "Sorry na. Nahihiya kasi ako kasi-" napalunok ako ng laway. Kill me now na kasi. "Kasi? " sabay taas ng kilay ni Riss. " Kasi sa text ko. Hindi ko naman balak na i-send iyon e. Sorry na" sabay takip sa mata ko at mahinang humikbi. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin, isang matipunong bisig. "Yun lang pala ang dahilan mo e. No need to worry about it. Ayus lang iyon, gusto ko ngang tawagin mo akong Daddy e" sabay tawa ni Edmerald. Kahit naiiyak pa rin ako ay hindi ko mapigilang mag-init ang aking mukha at mapangiti. "Iyan pinaiyak mo pa si Baby Collie mo" saby tawa ni Riss. Bigla tuloy akong yinakap ni Edmerald sa kanyang mtipunong dibdib. "Tahan na Baby, di na galit si Daddy" itong dalawang ito, hindi talaga titigil sa pang-aasar e. Inalis ko na ang pagkakayakap ni Edmerald sa akin at pinunasan ko muna ang luha ko. "Sorry talaga" "Ayus na iyon baby, but. Kailangan mong bumawi sa amin" sabi ni Riss. "Ha? Wala kasi akong dalang pera" "No. Hindi mo kami ililibre. Basta bumawi ka lang at mag-promise na hindi ka na ulit iiwas" sabay ngiti ni Edmerald. Shete, ang gwapo niya. "Okay" paano kaya ako babawi sa dalawang ito? Ay! Oo nga pala. "Bukas pala birthday ng kuya ko. Invited kayong dalawa" sabay ngiti. "Ayos 'yan baby Collie. Meet the parents na pala Ed e" sabay tawa ng dalawa. Mga ito talaga.  Sabado ng umaga at napaka busy sa bahay. Birthday ng gwapo at mala adonis kong kuya na si Keel at sa oras na ito ay wala ang birthday boy dahil susunduin ata niya ang GF niyang si ate Sunny. Pagkalabas ko sa aking kwarto ay parang naka high alert ang mga tao at hindi magkandaugaga. Si Papa at Kuya Kees ay nag-aayos ng Videoke, si Nanay naman ay nasa kusina kasama ang mga kumare niya na nagluluto ng mga handa. Si ate Chellten naman kasama ang barkada niyang si ate Cloix at Kuya Vino na kasapi ng pederasyon ay nag-aayus ng mga dekorasyon. "Bunsoy " tawag sa akin ni Inay sa kusina na agaran naman akong lumapit. " Ano po iyon? " " Ayaw sana kitang utusan at baka mapagod ka anak pero busy lahat ng tao sa bahay at walang mautusan. Pwede bang bumili ka 'nak ng mga kulang na rekados sa palengke " sabay abot sa akin ng pera at listahan ni Mama. " Wala naman pong kaso sa akin 'yon" sabay ngiti ko at nagpaalam na ako. Lumabas na ako sa kulay baby blue naming gate at pumara ng Tricycle. "Kuya, deretso po papuntang palengke" sabay abot ko na ng bayad.'Di kasi ako sanay na nagbabayad kapag nakapunta na, baka makalimutan ko pa na magbayad. Ng makadating na ako sa palengke ay nagpasalamat muna ako kay kuyang driver. Agad kong tinungo ang mga tindera ng atay upang bumili pandagdag sa ilalagay sa menudo. Matapos makabili ng atay ay bumili pa ako ng Celery at Bell pepper para sa lumpiang shanghai. Dahil medyo matao ay inabot ako ng siyam-siyam  bago makuha lahat ng nasa listahan. At ang mahirap pa ay pahirapan ang paghahanap ng mga pampasaherong motor. Mahal naman kasi ng Taxi e. Akmang lilipat ako ng daan ng mahulog ang isang plastik kong dala akmang kukunin ko ito ng may magpreno sa gilid ko. "Ano ba!? Magpapakamatay ka ba?! " sigaw ni kuyang driver. Panandaliang nanlaki ang aking mga mata. Hala! Si kuyang nasa burol! Iyung naka shade " Hoy! Bingi ka ba. f**k! " sabay busina pa nito. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Tumayo ako ng mabilis at nag-sorry pero ini-snob lang niya ako. Nakakahiya talaga. Umiling na lang ako at naghanap ng masasakyan pauwi. Ng makauwi na ako ay mag-aalas dies na. Mabuti at nahabol ko pa ang mga rekados. Pumunta muna ako sa sala at hinang hina akong naupo nandoon pala sila ate Sunny, ang dalawang kuya ko, si ate Chellten at ang mga barkada niya. "Ba't mukha kang haggard bhe? " tanong ni Kuya Vino habang nagsasalin ng isang basong juice at inabot sa akin. " Salamat po" uminom muna ako bago sumagot. "Bumili muna po kasi ako ng mga sangkap sa palengke. Medyo matao e" sabay ngiti ko. "Ayos lang ba  'yang puso mo bunso? Dapat sa akin mo na lang iniutos 'yan" sermon ni kuya Keel. "Kuya. Araw mo ito, ayaw kong i-spoil ang araw mo. Atsaka ayos lang naman po ako. " bumuntong hininga lang si Kuya. " Tama naman kasi ang Kuya mo bunsoy. " saad ni Ate Sunny. " Hay nako. H'wag niyo ng i-pressure ang bunso natin. Mag-ayos na tayo at malapit ng mag tanghalian " mando ni ate Chellten. Buti naman at naka-iwas ako sa interrogation ng mga kuya ko. Medyo spoiled kasi ako kay ate kaya may kapit. Habang naka-upo ako ay bigla akong tinawagan ni Nanay at may bisita raw ako. Hala! Nandito na pala ang dalawa, hindi pa naman ako nakapagbihis muna. Kita ko ang dalawa na todo porma, pero pang Civilian pa naman ang istilo. Nakasuot ng kulay puting shirt at ripped jeans si Riss habang naka Blue polo shirt si Ed at simpleng white pants. Itong dalawang 'to, parang ang perfect tingnan. Grabe, para silang walang kapintasan. "Nandito na pala kayo. Pasok tayo at magbibihis muna ako" "Sige baby Collie." sabay kindat ni Edmerald na dahilan upang mag racing lahat ng ugat ko sa puso. Heart, kalma lang. Nagbihis muna ako sa kwarto at pinuntahan ko kaagad sila Riss at Edmerald na mukhang agad na nakagaanan ang loob ng mga kuya ko at ate. "Bunso, ba't pinagkaabalahan pa akong dalhan ng mga bisita mo ako ng regalo. Ayos lang naman kung wala" sabay ngiti ni kuya Keel habang a hawak niya ang dalawang kahon. "Ayos lang iyon" mukhang kinikilig na saad ni Riss. Hinila ko naman ang babaita. "Hoy Riss. Taken na iyang si Kuya Keel" bigla naman sumimangot ang babae. "Sayang naman. O yung isa? " sabay turo kay Kuya Kees. " Single pa iyan" mukhang ikinatuwa naman ng loka ang sinabi ko. "Ikaw a! Bakit hindi mo sinabing may Fafa ka na mga kuya? " sabay mahinang kurot sa pisngi ko. "Aray!"  sabay himas ko sa pisngi ko at ngumuso. "Hindi ka naman kasi nagtatanong e"  "Stop pouting Baby Collie at baka makurot kita sa cuteness mo" lumayo tuloy ako sa kanya at pinuntahan ang mga tao sa sala. Binuksan na pala ni Kuya Keel ang mga regalo ng dalawa. Halos manlaki ang mata namin dahil ang regalo pala ni Riss ay isang I-phone 7 at ang kay Edmerald naman ay isang signature basketball shoes na may pirma pa ni Kobe Bryant. "Hindi ba masyadong mahal itong mga regalo ninyo? " medyo shock pa rin na sabi ni Kuya Keel. " Kuya kung ayaw mo akin na lang iyang dalawa" singit ni Kuya Kees dahilan upang batukan siya ni Ate Chellten. "Ate! Ang sadista mo talaga " sabay himas ni Kuya sa batok niya. " Kaya ka hindi nagkaka boyfriend e" dagdag pa nito dahilan upang samaan siya ng tingin ni Ate Chellten. "Trulalu! Hinay-hinay sa pagsasabi ng mga ganyang words pafa Kees, dalawa ang manang ditey" sabay nguso ni Kuya Vino kay Ate Croix. "Hoy! Hoy bakla! Hindi kami manang. Malandi ka lang gaga" sabay sabunot kay Kuya Vino. Tumakbo naman siya sa likod ni Kuya Kees. "Pafa Kees o! Mina m******e ako ni manang" "Tutulong pa ba ako? " " Ay o? Ang hard" sabay kunwaring kurot sa dibdib ng kuya ko. Harot lang. "Mga ijo at ija, mayana 'yan at tanghalian na. Hali na kayo sa kusina" mando sa amin ni Inay. Dinala ko sila Riss at Ed sa Kusina at pinag serve ng mga Pilipino Dishes. Masaya naman akong tiningnan ang dalawa specifically kay Edmerald na mukhang enjoy na enjoy ang pagkain ng Kare-kare, aba! Specialty iyan ni Inay. Marami pa kaming ginawa tulad ng Truth or Dare at Videoke, ang mga nakakatanda naman ay nasa Terrace at nag-iinuman, pasado ala Siete ay umalis na ang dalawa dahil may mga gagawin pa raw. Medyo kinilig pa ako at hanggang ngayon ay nakahawak pa rin ako sa aking pisngi dahil sa hinalikan ako kanina sa cheeks ni Edmerald dahil sa truth or dare. Nagpapahinga na ako sa kwarto at naka headset upang hindi marinig ang ingay sa labas ng tinawag ako ni Nanay. "Anak, si Nathelio nasa labas, mukhang laseng at nanggugulo. Hinahanap ka raw bunso. " kinakabahan na saad ni Nanay. Hala! Baka pagtulungan siya sa labas lalo na't baka pagkamalang siga. Lumabas na ako ng bahay na walang tsinelas at agad kong binuksan ang tarangkahan ng bahay. " Collie! Mag-ushap naman ta-tayo Collie " lasing nitong sigaw, may hawak pa nga siya ma bote e. "Ano na naman ito Nathelio" akmang magsasalita pa sana siya ng matumba ang mokong sa mismong harapan ko, muntikan pa akong matumba dahil 'di hamak na mas malaki ang lalaking ito kaysa sa akin. Ngayon pansin ko na lahat ng tao sa bahay, bisita at mga usisero na kapit bahay ay nakatingin sa akin. Shame!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD