Chapter 4

1635 Words
Work-Home Nathelio Hernani Pagod kong inihagis ang aking sarili sa aking kama. Mahigpit kong hinawakan ang asul na bedsheet ng aking higaan at gusto ko iyung punitin ng dahil sa inis. I fxck up. Bakit ko ba kasi nasabi ang mga gaanong bagay kay Collie. Collie was my best friend since our freshman years. Mabait, masayahin at sobrang inosente niyang besplen ko na iyan. He's the sweetest person I met. Yet I fxck up things on us. Way back sa Junior High namin. Collie was really a silent type and hindi makabasag pinggan na tao. He had that angelic face, innocent eyes, smooth white skin at ang kulay deep brown niyang mata. On the past 4 years ako ang nagsilbing proteksyon niya sa mga kilalang siga sa school. I am the one shoving these guys that trying to laid in my Collie. I mentally groan at kinuha ko ang isang puting unan at tinakpan ang aking mukha. Nagring ang cp ko at siguradong ang Girlfriend ko ang tumatawag, but obviously wala ako sa mood para sa bisyo niya- shopping at mga girly stuff. Tiningnan ko ang isang espasyo ng aking kwarto then the image of me and Collie playing video game habang nakapaskil ang ngiti sa aming mga labi makes me happy. Pero bigla lang nawala ang nakikita ko. Right, wala na pala ang Collie ko. Lalo pa ngayon na kasama niya iyung asungot na si Edmerald na isang MVP at varsity player. I am a Swimmer though, so samakatuwid ay mag kalaban kami sa kasikatan at popularity ng school. I do not care about fame. Wala akong pakialam kung may papansin sa akin o wala. It's just my good looks and my physical part they love, not totally me. 'You only know you love him when you let him go' Tama, just now I realise na bilang isang kaibigan ay napakarami ko ng pagkukulang kay Collie. Sana ay maibalik ko pa ang muli. And I won't let Edmerald to stole what's rightful mine. When we were still young, possessive na ako at ayaw kong may ibang kaibigan si Collie. You can call me selfish. Ngunit ang mahalaga ngayon ay mabawi ko siya. Pumasok na ako sa banyo at mabilis na nagshower. After that ay nagbihis ako ng kulay asul na hoodie na jacket at ripped pants. Tamang porma lang at binuksan ko ang aking cp. Perks of innocence of Collie ay wala siyang gaanong muwang. Hindi niya alam na palaging nakabukas ang gps ng phone niya dahilan upang palagi ko siyang matunton. At base sa kalkulasyon ko hihinto si Collie babes, endearment ko sakanya sa isang branch ng Black Cyara para bumili ng paborito niyang black forest butter ice-cream. Perks of being his friend. Nagdrive na ako at mabilis na tinungo ang lugar. Ng makapasok na ako sa establishment ay mabilis kong inikot ang aking paningin at pinuntahan ang ice-cream section. A smirk rather a grin form into my face when I saw my Collie silently devouring his sweets. Panandalian kong hiniling na sana kahit minsan lang sa buhay ko ay maging ice-cream ako at pumalit sa pwesto ng kinakain niya. And too bad for me, may nabuong tent sa pantalon ko na mukhang mahihirapan akong itago. What? Don't judge me. Lalake lang ako. "Collie" when he saw me ay iba't ibang emosyon ang agad na pumaskil sa mukha niya. Shock, anger,disappointment, embarrassed. Damn. Why so cute Collie? "What are you doing here? " tanong niya habang gumagawa siya ng pokerface sa mukha, pero ang naging labas ay para siyang anghel. Natural na siguro siyang mukhang anghel at inosente. Kaya siya nagiging target ng mga bad boy e. " Masama na bang pumunta rito? Lalo na kung narito ang bestfriend ko? " then I smiled confidently, he growl in a very cute way na parang gusto ko siyang dambahin ng yakap. Kung kaya ko lang sana ulit. Bakit hindi? "Wala akong natatandaan na may bestfriend pa ako"  sabay baling niya na ulit sa kanyang kinakain. Parang may kumirot na kung ano sa puso ko. Umupo ako sa harapan niya at malakas kong ibinagsak ang aking mga kamao sa lamesa that makes him shocked. "Damn it! At sinong kaibigan mo!? Si Sori!? Hindi kita papayagan na lumapit pa sa ungas na iyon" saad ko sa kanya habang pinapatay ko na sa aking utak ang Edmerald na iyon. Hindi na dapat pang umeksena ang maangas na lalaki na iyon. "Watch your word" sabay baling niya sa akin ng masamang titig even na napaka kalmado lang niyang magsalita. "Wala ka ng karapatan na diktahan ako at sabihin kung ano ang dapat kang gawin. May buhay ka, may buhay ako. Please let us mind our own business"  sabay akmang tatayo siya ngunit mabilis din akong makatayo at pinigilan siya gamit ang paghawak sa braso niya. "Hindi ko na uulitin. Kung kailangan kitang bakuran, babakuran kita Collie. Try me" I will work for everything..... again.  Collie Alvaro Dela Merced Inis akong nakauwi sa bahay at napasalampak sa kama. Ang kapal naman ng kumag na iyon na isipin na isa akong robot na pwede niyang kontrolin. Neknek niyang may stiff neck. Kapal niya lang po. Ano siya? Sinusuwerte? Plano na naman ba niya akong i-hashtag friendzone ulit? Ha-ha-ha. Pero hindi na mangyayari iyon. Ang gawin muli ang pagkakamali sa ikalawang beses o higit pa ay hindi na pagkakamali. Katangahan na iyon. Hindi pa ako nasisiraan ng bait. Maya maya naman ay may kumatok sa aking kwarto na dahilan upang ikasimangot ko. Kakahiga ko pa lang e, hindi naman sa bulakbol ako. Badtrip lang talaga. Napilitan tuloy akong tumayo at buksan ang pinto ng aking kwarto. "Ano iyon kuya? " tanong ko kay kuya Keel na seryosong nakatingin sa akin na nakasuot lang ng kulay black na shirt, boxer short at eye glasses, nag mukha tuloy hot nerd ang Kuya Keel. " Halika sa sala" mando niya. Napakunot ang noo ko, ano na naman kaya ang isyu? Saktong wala si Nanay at tatay pati na rin si ate Chellten. Naupo ako sa sofa katabi ng kuya kong si Kees na nanonood ng anime na Yuri on Ice. E? Nanonood ng Yaoi ang kuya ko? Hindi na ako magtataka, isang male fujoshi si Kuya ko. Ang kyut nga e. "Bunso may problema ka ba? " tanong ni kuya Keel na umupo rin sa tabi ko. " H-ha? Wala kuya! " defensive kong tugon agad with matching gestures pa. Pero tiningnan lang niya ako na parang. 'Yung totoo? Hindi ako naniniwala' " Sabihin mo na bunso. Ayaw naming may nililihim ka" seryoso na ng saad ni kuya Kees. Eeh? Nakakakilabot mang interrogate ang dalawang ito. "Fine. Nag-away lang kami ni Nathelio. " pag-amin ko. " O? Anong nangyari sa long time love of your life mo? " napalitan na ng nakakalokong ekspresyon ang seryosong mukha kanina ni kuya Keel. " Kuya kasi! Ang possessive niya kasi tapos gusto akong bakuran! Siya nga itong may gf at ilang buwan ng ini-etcepwera ako, tapos siya pa ang may ganang pagsabihan ako? Di naman patas iyon mga kuya" sabay nguso ko. Humalakhak naman ang mga kumag. Meanie. "Ano? Ipapatumba mo na ba si Hernani bunso?" pilyong tanong ni Kuya Kees. "Tama ang kuya mo. Hindi porque nakatira sa Sky Division iyang kras mo ay hindi na namin uupakan oras na ginulo nila ang baby girl namin" sabay halakhak nila. Naki halakhak na lang ako sa kanila, sabay death glare. Mga bwisit. Tungkol sa Sky Department na sinabi ni kuya. Basically, nakatira kami aa isang Village na kung tawagin ay Blueish Hood Village. Ang Blueish Hood Village ay nahahati sa tatlong Division. Ang Sky Division kung saan naroon nakatira ang mga mayayaman at malalaki ang mga bahay, off-limits ang mga hindi kabilang sa Division na iyon kasi mga RK (Rich Kid)  at Rich people lamang ang mga may access doon. While sa Baby Division naman nakatira ang mga may kaya lang sa buhay ngunit hindi naman ganoon kayaman, dito kami nakatira. At sa Dark Division naman nakatira iyong mga nasa ibaba ng Chain, ang mga bahay kasi sa Division na ito ay mga Bungalow style at higit na mas maliit kaysa sa Division namin. Back to the topic. "Naku hayaan niyo na ang mokong na iyon kuya. From now on ay no string attach na kami" sabay wagayway ko ng kamay. "Balik na po ako sa kwarto ko at magpapahinga na. " Magpapalit na sana ako ng pantulog na isang piraso ng kulay Magenta na PJ's at isang puting t-shirt ng may mahulog sa short ko na isang puting papael. Ng kunin ko ang papel ang may nakasulat doon. 'Hi Baby Collie, si Edmerald ito I just want to give you may number 0948-, please message mo agad ako oras na nakauwi ka na. ' Napakagat ako ng labi at pinipigilan ang dapat pigilan sa aking pagkatao na pwedeng maging dahilan upang ikasira ng aking reputasyon. Pero hindi ko kaya. "KYAAAAAAA!!!! " sabay talon sa aking kama. Bigla namang bumukas ang pinto ng aking kuwarto at pumasok ang dalawa kong kumag na kuya na nakapose pa na parang nasa Naruto. " Nasaan ang mga ninja Collie " tanong ni kuya Keel. Napahinto ang lahat at tumahimik ang buong kwarto, hanggang sa tumawa ako ng pagkalakas lakas. Ang e-engot talaga ng mga kuya ko. " O? Anong nakakatawa? " sarkastikong balik ni kuya Keel. " Wala naman kasing ninja kuya e" sabay resume ko ulit sa aking laughing skills. "E bakit ka tumitili na parang nakakita ka ng model ng Calvin Klein? " tanong naman ni kuya Kees na naka nguso. Nilapitan ko naman sila at yinakap. " Wala iyon mga kuya nag-vo voice lessons lang ako" "Maniniwala sana kami kung wala lang 's' yung lesson mo. Yung totoo. Pwede ka ng barker sa Quiapo " sabay tawa uli nila. Pinagkakaisahan talaga ako ng dalawang ito. Lalo na si kuya Kees. " Heh! Layas na sa kwarto ko" sabay kiss ko sa mga pisngi nila. Ang sweet ko no? Tsk. Agad kong kinuha ang naka-charge ko pa na CP at nagcompose ng message. 'Hi Edmerald si Baby Collie mo ito, your little sexy Collie. I am Home Daddy' napatawa na lang ako. Siyempre hindi ko isesend ito no! Nakakahiya kaya, kaya idedelete ko na lang. Wait. Send. Okay na delete na-wait? Send? Oh may gee.  Kill me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD