Prologue
"BUNTIS KA?!"
Isang malakas na sampal ang tinamo ni Demilyn matapos niyang itango ang kanyang ulo. She knew her parents would never take it easy, but she never expected her father to physically hurt her because of her condition.
"Donato, tama na!" pigil ng kanyang ina nang akmang sasampalin siyang muli ng kanyang ama.
Demilyn sobbed while her palm was resting on her cheek. "Papa, hindi ko sinasadya..."
Namula lamang lalo sa galit ang kanyang ama. "Papaanong hindi mo sinasadya?! Putangina, Demi! Walang ganyang klase ng disgrasyang hindi sinadya!" Hinawi nito ang kanyang ina saka siya mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso. "Sino ang putanginang nakabuntis sayo, hmm? Puta, sino?! Iyong napababalita bang nobyo mong galing sa pamilya Santi Vlanco?!"
Ayaw sana niyang aminin kung sino dahil tago ang relasyon nila ng nobyong si Rancho. She knew how much her father despised the Santi Vlancos. Tuwing kampanya ay halos ito ang manguna sa paninira sa pamilyang iyon.
Hindi rin naman niya sinasadyang magmahal ng taong mula sa angkang kinamumuhian ng kanyang pamilya. Love happened and before she even knew the long history of her family and the Santi Vlancos. she's already deeply in love with Rancho.
Napahagulgol siya nang madama ang sakit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso. "Si Rancho po..." Her voice cracked. "Si Rancho..."
Lumuwag ang pagkakahawak ng kanyang ama sa kanya. Tila ba hindi nito inasahan ang kanyang naging sagot kaya naman nang mabitiwan siya nito ay muntik na itong nabuwal.
"Si... Si Rancho pa..." Gumuhit ang galit sa namumulang mga mata ng kanyang ama. "Sa lalakeng galing pa mismo sa angkan ng tumarantado sa buong pamilya natin?! Have you lost your mind?!"
Umalog ang mga balikat ni Demi. "Mahal niya ako, Papa! Hindi niya kasalanan ang nangyari kina Lolo--"
"Wala kang utang na loob! Paano mo nasasabi 'yan, Demi?!" Hinawakan siya nito sa braso at idinuro-duro sa noo. "Ito ang isasaksak mo sa kokote mo! Hinding-hindi ko hahayaang may Santi Vlanco'ng magiging bahagi ng pamilyang 'to! Oras na ipanganak mo 'yan, ibibigay ko 'yan sa putanginang ama niyan o ipatatapon ko 'yan kung hindi nila tanggapin!"
Halos manghina ang mga tuhod ni Demi. "P--Pa, anak ko 'to! Apo ninyo--"
"Wala akong apo'ng may dugong mamamatay-tao!" Umigting ang panga nito. "Mamimili ka lang, Demi. Ibibigay mo ang lintik na batang 'yan kay Rancho o ipalalaglag mo ang sanggol?"
Umagos nang husto ang mga luha ni Demi. "Papa... maawa ka..."
"Mamimili ka lang." Dumilim lalo ang ekspresyon nito. "Hindi ako papayag na mayroong Santi Vlanco'ng magdadala ng apelyido ng pamilyang ito."
Humihikbing umatras si Demi. Nang manikip ang dibdib ng kanyang ama ay kaagad itong idinala ng mga tauhan sa sasakyan upang itakbo sa ospital. Kinuha naman niya ang pagkakataon upang mag-empake ng kanyang mga gamit saka siya nagtungo sa mansyon ng mga Santi Vlanco.
She thought she'd get refugee there, ngunit nang makita siya ng mga tauhan ay halos ipagtabuyan siya. Isang bagay na lalong bumasag sa puso ni Demi.
"Parang awa ninyo na, Manang. Kailangan ko talagang makausap si Rancho. Importante lang ho talaga," pakiusap niya.
Halatang naaawa na sa kanya ang katulong, ngunit bago pa man ito makakibo ay lumabas na si Rancho ng bahay kasama ang kapatid at mga magulang nito.
"R--Rancho!" She dropped her bag and ran towards him. Humagulgol siya nang husto sa dibdib nito habang nakayakap sa baywang nito ang kanyang mga braso. "Rancho, tumakas na ako. Sasama na ko sayo. Buhayin natin nang magkasama ang baby."
Nadama niya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago nito kinalas ang mga braso niyang nakayakap sa baywang nito. "I didn't love you, Demi."
Parang tumigil ang mundo ni Demi dahil sa narinig. Napatitig siya sa malamig na mga mata ni Rancho, hindi makapa ang tamang mga salitang dapat niyang sambitin.
"A--Ano?" She faked a laugh. "Ano ka ba, Mahal hindi na 'to oras ng biro--"
"Who said I'm joking?" Ngumisi ito. "Naniwala ka talagang sa isang tulad mo lang ako luluhod? Putangina, gising."
Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. "R--Rancho, huwag ka namang ganyan. May baby na tayo--"
"Hindi ko sigurado kung akin 'yan. Huwag mong basta-basta ipaako--"
"Rancho!" his brother, Rimael's voice thundered. Dumilim nang husto ang ekspresyon nito na tila nagalit sa narinig mula sa kapatid.
Demi couldn't help but stare at Rimael for a moment. Hindi niya inasahan ang reaksyong iyon sa nakatatandang kapatid ng kanyang nobyo. Rimael never spoke to her in a nice way. Tila makita pa lamang siya nito ay nagagalit na kaya hindi niya maiwasang magtaka ngayon.
"What? Eh, sa hindi nga ako sigurado--"
Nasampal niya ito kasabay ng kanyang paghikbi. "Hayop ka! Paano mo nasasabi 'yan ngayon?! Alam mong sayo ko lang isinuko ang sarili ko!"
Umiwas ito ng tingin kasabay ng pag-igting nito ng panga. "Umalis ka na, Demi bago pa lumabas ang girlfriend ko."
Muntik na yata siyang mabuwal. "A--Ako ang..." Her voice cracked. "Ako ang girlfriend mo, Rancho."
"Not anymore..." tila hirap nitong sabi bago siya nilampasan. Lumabas naman ng bahay ang isang maganda at mestizang dalaga. Nang makipaghawak-kamay rito si Rancho saka sumakay ang dalawa ng kotse, umagos nang husto ang mga luha ni Demi.
She watched the car leave while she was left on her spot with a shattered heart. Para siyang dinikdik hanggang sa maubusan siya ng lakas. Kahit noong nakaliko na ang kotse ay hindi niya pa rin nagawang alisin ang kanyang titig sa direksyong tinahak nito.
How could Rancho do this to her? Nagmahalan sila nang husto, hindi ba? They defied the laws set by their own families. They fought for the love that conquered their hearts. How could he abandon and betray her now that she needed him the most?
Nanikip nang husto ang dibdib ni Demi. Nang unti-unting kumirot ang kanyang tiyan ay naisara niya nang husto ang kanyang mga mata.
A pair of arms was able to catch her before she fell on the ground, but the pain was too much that she slowly lost her consciousness. Basta ang natatandaan na lamang niya ay sinalo at binuhat siya ni Rimael. She remembered how concern and worry flickered in his eyes while he shouts on their family driver to ready the car. Tila mas takot pa ito sa posibleng mangyari sa kanya kaysa sa kapatid nitong ama ng dinadala niya.
Demi couldn't remember the rest of what happened. Nang magising siya ay nasa tabi na niya ang kanyang ina habang nasa loob siya ng isang hospital room. Pilit niyang ikinurap ang kanyang mga mata habang inaalala ang nangyari, at nang madinig niya ang paghikbi ng kanyang ina, nalukot nang husto ang noo ni Demi.
"M--Ma? Ano hong nangyari?" tanong niya sa nanghihina pang tinig.
Humikbi lamang lalo ang kanyang ina. Hinaplos nito ang kanyang buhok saka ito pilit na ngumiti sa kanya. "Magpahinga ka lang, ha? Para makabawi ka ng lakas."
Sandali siyang lumunok. "Ma, ang... ang baby ko, okay lang ba?"
Lumamlam nang husto ang mga mata ng kanyang ina. Hinawakan nito ang kanyang palad saka iyon mahinang piniga habang humihikbi ito. Her mother's reaction to her question made her heart throb in fear, but Demilyn tried to push away the idea brewing in her mind.
"M--Ma?"
Humikbi itong muli. "Anak, ang... ang bata kasi... hindi raw malakas ang... kapit kaya... kanina noong nakaramdam ka ng matitinding emosyon ay..." Nabasag ang tinig nito. "Wala na ang bata, Demi..."
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Demi. Her tears rolled down the sides of her face as she stared blankly at her mother. The news started to sink in, but her breaking heart couldn't bare to accept it.
Naihawak niya sa kanyang tiyan ang nanginginig niyang kamay. "Ang baby ko, Mama..." Her lower lip trembled as pain and anger filled her heart. "Kasalanan nila 'to! Pinatay nila ang baby ko!"
"Demi, kumalma ka, anak..." Nayakap siya nito nang madama nito ang labis na emosyong lumalamon sa kanya. Malamig naman ang mga mata siyang tumitig sa kawalan habang ipinapangako niya sa kanyang isip ang isang bagay.
Igaganti niya ang anak niya ano man ang mangyari.
Ano man ang maging kapalit...
Her lips pursed as her tears trailed heavily down her face. Magbabayad ang mga Santi Vlanco lalung-lalo na si Rancho. Ipinapangako niya iyon sa walang muwang niyang paslit