Kabanata 3

1674 Words
ABALANG ayusin ni Demi ang mga gamit sa kanyang clinic nang madinig niya ang pagtigil ng sasakyan sa labas. Wala siyang inaasahang bisita ngayong araw dahil nag-out of town si Sonja kasama ang foreigner nitong boyfriend. Akala niya ay sina Tippy ang dumating, ngunit nang masilip niya sa glass door ang pamilyar na bulto ay humigpit ang pagkakahawak niya sa termal scanner. She watched the familiar lady get escorted by her bodyguard as she went out of the car. Nang magtama ang kanilang tingin matapos nitong hubarin ang suot na sunglasses ay mariin niyang nailapat ang kanyang mga labi sa isa't isa. Kathlyn walked towards her clinic and went in. Pigil na pigil ni Demi ang sarili na palayasin ito dahil ayaw niyang isipin nitong hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on. Imbes na ibaba ang sarili niya ay tinalikuran na lamang niya ito saka niya ipinagpatuloy ang pagsasalansan ng kanyang mga gamit sa kanyang desk. "My clinic is still not operating. Besides, you're gonna need to set an appointment--" "Pinuntahan ka ba ng asawa ko kagabi?" putol nito sa kanyang sinasabi. Huminto si Demi sa pag-aayos ng gamit at nilingon ito habang pigil niya ang kanyang galit. "At bakit naman ako pupuntahan ng asawa mo, Mrs. Santi Vlanco?" Malamig ang ekspresyon siya nitong tinitigan. "Tinatanong kita nang maayos, Demilyn. Sagutin mo ako nang maayos." Inis siyang ngumisi. "Your husband has no business with me, Mrs. Santi Vlanco." She rested against the edge of her desk and folded her arms. "Hindi rin ako lost and found ng mga asawang hindi napipirmi sa bahay." Kitang-kita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito pati na ang paghugot ng hininga. "If you came here to ruin my marriage, gusto ko lang ipaalam na hinding-hindi kami papayag na masira ang pagsasama namin ni Rancho. The annulment was nothing but a rumor--" "A rumor that I don't give a f**k about." Tumaas ang kanyang kilay. "Tapos ka na? Marami pa akong gagawin, eh. You know, I'm too busy to exist kaya huwag ninyo akong idamay sa problema ninyo ng asawa mo." Kathlyn breathed in sharply. Her creamy complexion failed to hide her brewing anger. "Babae ka rin. Kung balak mong sirain ang marriage ko dahil pakiramdam mo ay inagaw ko si Rancho, sana maisip mo na hindi ako gano'ng uri ng babae. It was an arranged marriage--" "So why are you acting as if I'm about to ruin something precious to you?" putol niya sa litanya nito. Lumamig lalo ang titig nito sa kanya. "Dahil mahal ko si Rancho . . . at mahal niya rin ako." She scoffed. Umirap sa kawalan ang kanyang mga mata saka niya ito tinalikuran. Naging padabog din ang pag-ayos niya sa mga gamit kahit na hindi niya naman intensyon. "Then I shouldn't be a threat if you guys are in love. Wala akong masisira sa pamimirmi ko rito sa San Marcelino kung matatag naman pala ang pagsasama ninyo." She looked over her shoulder. "Oh baka hindi kaya ka nagkakaganyan ngayon?" Inirapan niya ito saka siya lumabas ng clinic gamit ang back door. Nang madinig niyang umalis na rin naman ito ay sandaling ipinikit ni Demi ang kanyang mga mata. Mukhang tama nga ang chismis na nasagap ni Sonja. Kathlyn is very insecure with her despite her being married to Rancho. Gusto tuloy niyang matawa. Mukhang mas magiging masaya ang paghihiganti niya ngayong hindi pa man siya nagsisimula ay umuusok na ang ilong ng asawa ni Rancho. Pinakawalan niya ang hangin sa kanyang dibdib at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Pagkalapag ng baso sa island counter ay tumunog ang kanyang phone dahil sa isang text message. Unknown number: I made reservations at Cafe Velarde. I'll pick you up at seven. Ngumisi si Demi. Kahit na hindi naman niya tanungin ay alam na niya kung sino ang nagpadala ng mensahe ngunit umiral pa rin ang kapilyahan niya't nag-reply rito. Demi: Do I know you? Unknown number: Very well. Sumandig siya sa island counter at muling nagtipa ng reply. Demi: Who are you exactly? Unknown number: The man who almost ripped your tiny dress on Sonja's party. Nakagat niya ang ibaba niyang labi dahil sa reply nito. Hindi talaga niya maipaliwanag kung bakit ganoon katindi ang epekto sa kanya ni Rimael samantalang noon naman ay takot siya rito dahil sa sama ng ugali. Or maybe they just had very little interactions that she had mistaken him as grumpy? Nonetheless, her plan is working. Mabilis niyang nasakatutuparan ang mga plano niya kaya hindi na siya dapat pang magreklamo. Rimael will be the best ticket to make Rancho pay for what he had done to her in the past. Kahit katawan niya ang maging kapalit ay wala nang pakialam si Demi. She had already given away her purity to the wrong man anyway. She has nothing to lose anymore. Tumikhim siya at tinawagan ito. Hindi naman nagtagal ay sinagot din ni Rimael ang tawag. "Is this Governor Rimael Santi Vlanco?" she asked with a seductive voice. Napangisi siya nang madinig ang paghugot at buga nito ng hininga. "What are you doing right now?" "Oh, nothing. Your sister-in-law dropped by at my clinic. Nawalan ako ng ganang mag-ayos so I'm not doing anything at the moment." "Kathlyn? What did she do to you?" tila dismayado nitong tanong. Nilaro ni Demi ang kanyang buhok. "Nothing. Hinahanap lang sa akin ang asawa niya. As if I give a damn about her husband." She heard him let out a sharp sigh. "Did Rancho visit you?" Umikot ang kanyang mga mata. "Of course not." Tumikhim siya. "Are you busy... governor?" she asked in a sensual way. "Why? You wanna crash at my office?" he asked. A luscious smirk made its way to Demi's lips. "Why not? I'm bored anyway. Can I come?" Sandali itong hindi kumibo na tila nag-isip. Mayamaya ay nadinig niya ang muli nitong pagbuntonghininga bago ito nagsalita. "Come over then." "Thanks." Pinatay niya na ang tawag saka umiling. "Such an easy prey." Umakyat na siya sa kanyang kwarto at naligo. Nang makapag-ayos ay nagtungo siya sa kapitolyo gamit ang kanyang kotse. Sa bungad ay sinalubong siya kaagad ng isa sa bodyguards ni Rimael upang samahan siya sa opisina nito. When she got in, the bodyguard shut the door and left them alone. Halos hindi naman kaagad nakakilos si Demi nang makita ang itsura ni Rimael. He's wearing his glasses while on a business suit, looking so professional behind his desk. Nang magtama ang kanilang tingin ay sumandal ito sa swivel chair at hinubad ang eyeglasses matapos isara ang laptop nito. Hindi nakatakas sa kanya kung papaano siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago nito inigting ang panga. Demi took the chance to walk towards his side. Pinanood lamang naman siya nito na tila wala itong pakialam kahit na sinasayang niya ang oras nito. "Good afternoon, Governor." She sat on the edge of his table, purposely showing her thigh that was exposed because of the slit of her dress. "You look... busy." His dangerous eyes twinkled with interest. "I can make time for something we will both enjoy." Tumaas ang kanyang kilay. "And what exactly is that, hmm?" The corner of his lips curved for a meaningful smirk before he stood up and towered her, his arms rested on his table, trapping her in between. Napalunok si Demi. She knew Rimael is more dangerous than Rancho, but she never really expected to see his wild side this early despite her plans. Bumaba ang mukha nito hanggang sa halos ilang pulgada na lamang ang maging pagitan ng kanilang mga labi. Para tuloy siyang malalagutan ng hininga habang ang mga tuhod niya ay halos manlambot dahil pakiramdam niya ay anumang oras ay tuluyang lalapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi. "Come on, Demi. We both know you're plotting something. I am not dense to not figure out why you flirted with me on Sonja's birthday..." Halos manlamig ang kanyang katawan sa narinig. Nawala ang init na gumagapang sa kanyang balat at napalitan ng takot na wala pa man ay tapos na kaagad ang plano niya, ngunit bago pa man siya nakapagsinungaling ay umarko na ang mga labi ni Rimael para sa isang makahulugang ngisi. "But don't worry. I'm not saying this to stop you. As a matter of fact, I can even help you with whatever you are plotting. Isa lang ang kapalit na hihilingin ko at sinisiguro ko sayong magiging kakampi mo ko..." Nalunok niya ang sarili niyang laway habang nakatitig sa misteryosong mga mata ni Rimael. "W--What do you want?" His hand lifted until it rested on the side of her face, his thumb gently stroked her lower lip as he spoke in a low, seductive voice. "Sleep with me, Doc." Their eyes met. "Let me have you while I help you with your plan." Sandali siyang humugot ng hininga. "At paano ako nakakasigurong hindi mo ako gagaguhin sa huli? You and Rancho are brothers." "He had taken away someone who could've been happy with me." Muli nitong tinitigan ang kanyang mga labi. "Now she's miserable because of him. I want my own revenge, too..." Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa puso nang makita ang magkahalong galit at panghihinayang sa mga mata ni Rimael. Isa lamang ang nasisiguro niya. He was telling her the truth, and she could feel that he really is serious about it. Dahil ba kay Kathlyn? She heard Kathlyn was originally set for a fixed marriage with Rimael. Ito ba ang babaeng tinutukoy nito? She doesn't care anymore. Ang mahalaga ay makuha niya ang gusto niya at magawa niya ang plano niya. Sandali siyang humugot ng hininga bago niya hinawakan ang necktie nito't tuluyang hinalikan sa mga labi. Kaagad naman itong gumanti ng mapusok na halik, at nang tuluyan siya nitong isinampa sa mesa bago ito pumwesto sa pagitan ng kanyang mga hita, hinawakan niya ito sa batok saka siya bumulong sa tainga ni Rimael. "We have a deal, Governor. I'm officially your whore..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD