NALAGLAG ang panga ni Elaina nang makita ang iniabot ni Aling Elvira sa kaniya. Hindi niya iyon kaagad nagawang tanggapin. Labis na hiya ang nadarama niya nang mga sandaling iyan. Naidalangin niya na sana ay lamunin na lamang siya ng kaniyang kinatatayuan. Kasalanan ito ni Ndrew. Kung hindi nito inuna ang tupak nito kagabi ay nabalikan sana nila ang mga ito at hindi nangyaring itong si Aling Elvira pa ang mag-aabot nito sa kaniya. Ngayon ay tiyak na ang tumatakbo sa isip nito. "Si Robbie ang nag-abot niyan sa akin at nakiusap na sa iyo ko ito iabot upang maiwasang makarating pa sa Señorito. Ibinigay raw sa kaniya ng isa sa tauhan ni Señorito Ndrew na natulog sa kubo kagabi," mahinahon nitong sabi bagaman ay titig na titig sa kaniya. Nakagat niya ang ibabang labi at naiiwas dito ang ti

