NAKAUPO sa malaking tipak ng bato si Ndrew John habang abala siya sa pagtibtib sa katawan ng puno ng Banaba na naroon sa harap lamang niya. Piraso ng matalim na bato lamang ang ginagamit niya kaya kanina pa niya iyan ginagawa upang mai-ukit doon ang nais niya. Lumipas ang mahabang sandali at nagawa rin niyang matapos ang ginagawa roon. Huminto siya at malalamig ang mga matang pinagmasdan ang iniukit niya sa puno ng Banaba. "Señorito Ndrew," boses iyon ni Carlina. Bahagya niya itong nilingon sa kaniyang likuran. "Kanina pa po kita hinahanap, Señorito Ndrew." "Ano'ng kailangan mo, Carlina?" malamig ang tonong tanong niya. "Dumating na po ang mga materyales sa gagawing paghahanda ng basketball court para sa gaganaping victory ball mamaya," pagbabalita nito. Oo nga pala, victory ball

