45 - Sapakan

2848 Words

IKA-WALO ng Disyembre. Kaarawan ito ng namayapang Señor at sa unang pagkakataon ay simpleng salu-salo lamang doon sa hacienda ang idinaraos nila kasabay sa kanilang maagang paghahapunan. Wala ang mala-piyestang selebrasyon sa loob ng buong hacienda kung saan ang lahat doon ay nagkakasiyahan. Ngayon ay sila-sila lamang doon ang kapwa tahimik at seryoso na magkakaharap sa mahabang hapag-kainan sa komedor. Sa pagkakaupo ni Ndrew John sa kabisera ay nasa harap niya ang birthday cake kung saan kasalukuyan niyang hinihipan ang kandila. Tinitigan niya ang usok na kumakawala roon matapos mamatay ang ningas. Sa bawat tila pagsayaw ng usok na iyon ay ang pagduyan naman ng kahungkagan sa kaniyang dibdib. "Ito ang una nating selebrasyon para sa kaarawan ng Señor John na hindi kasama si Señorito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD