46 - Tsokolate ni Gray

2044 Words

PATULAK na binitawan ni Ndrew si Elaina sa kaniyang kama matapos niya itong mapilit na dalahin doon. Nag-bounce ito at napatihaya pero mabilis ding nakabangon paupo sa gilid ng kama. "Ano na naman ba'ng problema mo?" Masama ang titig nito sa kaniya. "Ikaw, ano ba'ng problema mo at nag-iinarte ka ng ganiyan? Dahil ba kay Graysen, ha? Sagutin mo ako diretso kung oo at ihahatid kita roon ora-mismo!" pagalit na sabi niya rito. "Binastos ni Adrian 'yong tao, ano'ng gusto mong gawin ko!?" bulyaw nito sa kaniya habang nakaturo ang hintuturo sa sarili. "Ang gusto kong gawin mo, itaboy mo si Gray palayo sa 'yo!” bulyaw rin niya ito. Dumukwang siya rito sa pagkakaupo nito sa gilid ng kama at nag-iwan ng isang dangkal na distansiya sa mga mukha nila. Bahagya itong lumiyad upang bigyan ng dagd

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD