Love Stop 20

1422 Words

Nakaalis na si Louise dahil maaga pa daw ang flight nito papuntang Singapore. Siya naman ay hindi na pinapauwi ng kambal kaya naman sa guest room na siya matutulog. May mga damit na siya doon ngunit nasa kuwarto iyon ni Cameron. Hindi nga naman magandang tignan kung may bisitang matutulog doon at may makikitang damit panlalaki lalo na at dalaga ito kahit pa sabihing siya ang ama ng mga bata. Napalingon siya nang marinig ang mahinang katok sa pinto. Nang pagbuksan niya ay nakangitig si Cameron ang naroroon na dala ang kanyang mga damit na pamalit. Itinaas nito ang mga dala upang iabot sa kanya. "Pantulog mo." "Thanks," kinuha niya agad ito. Tinitigan niya ang dalaga habang iniisip ang sinabi ni Louise. Tama naman talaga ito. Kailangang kausapin niya si Cameron. Napangiti nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD