Pikit na pikit siya habang hawak pa din ang ugpungan kung saan nakabuhol ang kanyang tuwalya. Pinakiramdaman nya ang sarili at tingin niya ay wala namang sumakit sa katawan niya. Bigla siyang napadilat nang marinig ang malakas na paghugot ng hininga.at tila noon lang bumalik sa ala-ala niya na niyakap pala siya ni Mason upang hindi siya mapahiga sa sahig! "Oh God! Mason!" Nanlalaki ang mga mata niya tiningala ang kaibigan. Nakapikit din ito at kunot ang noo. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Dumilat ito upang tignan siya. "I am okay. You?" "I am okay. Thank you." Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nananatili lang nakatitig sa isa't isa. Kung hindi pa niya naramdaman ang pag-iinit ng kanyang pisngi ay hindi pa siya matatauhan na hubo't hubad siya sa ilalim ng

