"Cam, let's go out tonight," aya niya sa kaibigan matapos niyang ihatid ang mga anak mula sa maghapon nilang paggagala.
"Hi, Mom!" Sabay na bati ng kambal sa ina. Humalik ang mga ito sa pisngi ng dalaga na nag-aabang sa main door ng bahay.
"Hello, Kids," niyakap din nito nang mahigpit ang mga anak. "How's your day?" Pareho niyang sinapo ang mga mukha ng kambal. Lalo siyang napangiti nang makita ang saya sa mga mukha ng dalawa bagamat nababanaag na niya ang antok sa mga mata ng mga anak.
"We ate a lot and did some shopping..." Camaro lets out a yawn while talking. "Sorry, Mom. I had already fallen asleep in the car."
"It's okay, Anak," hinaplos ng dalaga ang mukha nito. "You both go and clean yourselves before heading to bed, okay?" Binalingan nito si Lexus na halos hindi na maidilat ang mata. Ginulo ni Cameron ang buhok nito. "Sige na, Anak. Say goodnight to your Dad."
Sabay na yumakap ang mga ito sa kanya. "Goodnight, Dad," pareho itong humalik sa pisngi niya.
"Goodnight, Kids. Don't forget to brush your teeth coz we ate a bunch today," paalala niya sa mga ito na tumango naman bago tumalikod. "Have a sweet dream, my Loves!" Natawa sila pareho ni Cameron nang itinaas na lang ng mga ito ang mga kamay.
"Yaya, please make sure that they are clean before they reach their bed," bilin ni Cameron.
"Opo, Ate," nakangiting sumagot ito bago sumunod sa dalawa.
"Aren't you tired?" Natatawang tanong nito sa kanya nang tuluyang mawala sa paningin nila ang dalawang bata. "You've been out with the kids the whole day."
"It's Friday, Sweetheart," Sumalampak siya sa sofa. "It's only six in the evening. We can eat dinner first and head to a bar," suhestiyon niya sa dalaga. "I called Louise earlier and she's cool with it."
"I don't know, Mason...."
Napakunot siya ng noo. "Do you have plans with Renz tonight?"
"Hindi pa naman siya tumatawag..."
"Then it's settled!" Tumayo siya at hinawakan ito sa magkabilang braso bago itinalikod sa kanya at bahagyang itinulak papunta sa hagdan. "Dress up and we will pick up Louise," ngumiti siya nang lumingon ito sa kanya. "Kami mismo ang maghahatid sa iyo kapag tinawagan ka ni Renz. Would that be fine?"
Ngumiti ito at tumayo. Tingin niya ay iyon lang naman ang inaalala nito. "Magpaalam ka sa kanya kung gusto mo," dagdag pa niya.
"I will!" Tapos ay may pagmamadaling umakyat ito ng hagdan.
Nangingiting hinugot niya mula sa bulsa ng suot na suit ang mobile phone niya. Nag-padala siya ng mensahe kay Louise na susunduin nila ito sa loob ng kalahatig oras. Mas mabilis naman kasi itong kumilos kaysa kay Cameron at isa pa, nasabihan na rin naman niya ito kanina na aalis sila ngayong gabi.
Habang inaantay si Cameron ay tinignan muna niya kung may mga kailangan siyang sagutin sa mga email sa kanya. Sampung minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring paramdam ang dalawang babae niyang kaibigan. Si Cameron ay siguradong naliligo pa rin ngunit si Louise ay pinangangambahan niyang nakatulog kaya ipinasya niyang tawagan ito.
Ilang ring ang lumipas bago ito nasagot ni Louise at sa boses nito ay mukhang nakatulog nga.
"Don't tell me that you fell asleep?" Natatawang tanong niya dito.
Humikab pa ito bago umungol.
"I sent you a message ten minutes ago but I guess you haven't seen it yet," sabi niya.
"About what?" Muli itong naghikab.
"We are going out, remember?" Paalala niya sa dalaga. "Cameron is already preparing."
"Oh, s**t!" Narinig niya ang nagmamadaling kilos nito. "I'll be ready once you come!" Iyon lang at pinutol na nito ang usapan nilang dalawa.
Natatawa siya habang napapailing. Kapag nangako kasi ang kaibigan ay tinutupad nito kahit pa gaano ito ka-busy kaya alam niyang double time na ito sa pag-aayos ng sarili.
Tumayo na siya at umakyat ng hagdan. Kailangan na niyang puntahan si Cameron dahil kung hahayaan niya ay malamang alas nueve na sila makaalis.
He gave three warning knocks before calling her name. "Cam?" There is no response. However, despite his repeated attempts, she did not respond to one of them. He turned the doorknob while holding it in his hand. Indeed, to his astonishment, it is open!
"This woman!" This caused him to hiss. Despite the fact that he is constantly asking her to lock her door, she has a poor habit of forgetting to do so!
Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kuwarto nito at naupo sa kama habang nakahalukipkip at salubong ang kilay. Nasa loob pala ito ng banyo kaya hindi naririnig ang katok at tawag niya.
Napasulyap siya sa side table nito. Mayroong dalawang kuwadro na naka-tayo doon. Ang kaninang kunot ng noo niya ay nawala nang makita ang mga kuwadro. Ang isa ay kung saan naroroon ang larawan ng kambal at sa isa naman ay larawan nilang tatlo nila Louise. Kuha ito noong ika-limang taong kaarawan ng kambal. Hapit niya sa magkabilang braso ang dalawang kaibigan na katulad niya ay malaki din ang mga ngiti sa labi.
Ni sa hinagap niya ay hindi niya akalain na muling magbabalik ang pagkakaibigan nilang tatlo. Malaking tulong ang dalawang kaibigan lalo na kapag nalulungkot siya dahil wala si Violet sa kanyang tabi. Ang mga ito ang laging nagpapaalala sa kanya na napaka-suwerte niya sa pagkakaroon ng nobyang katulad ni Violet na hindi umaasa sa kanya. Puwede naman kasi itong hindi na umalis ng bansa dahil kaya naman niya itong buhayin at ibigay lahat nang pangangailangan nito ngunit mas pinili nitong matupad ang mga pangarap ngunit ang kapalit ay ang pagkakalayo nilang dalawa.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang bumukas ang pintuan ng banyo at linuwa nito si Cameron na nakatapis lang at tumutulo pa ang ang basang buhok.
Napamaang siya nang lagpasan siya nito at tila hindi napansin.
Muli niyang pinagsalubong ang kilay at pinaseryoso ang mukha. "How many times did I tell you...."
"AY! PUSANG GALA!" Napatalon ito sa gulat nang marinig ang boses niya na dahilan upang mawalan ito ng balanse!
Nang makita niyang babagsak ito ay daig pa niya si Flash na nakarating sa kinatatayuan ng kaibigan ay nayakap ito bago tuluyang bumagsak sa sahig!
Iniyakap niya ang isang braso sa ulo ng kaibigan at ang isa ay sa baywang upang maproteksyunan. At sa bilis ng kilos niya ay kasama ang katawan niyang napahiga sa sahig at iniikot niya ang katawan upang sa ibabaw niya ito bumagsak!