Love Stop 7

1194 Words
Nang makarating siya ng bahay ay kumain siya gaya ng bilin ng ina at agad ding naligo. Tinawagan niya si Louise kung gusto nitong magpasundo sa kanya ngunit gaya ni Cameron ay tinanggihan siya nito. He smiles. His two princesses don't need him anymore. They are living their own life without his help. Minsan nga...scratch that...Madalas, siya pa ang umaamot ng oras sa mga ito. "Daddy!" tumatakbo palapit sa kanya si Lexus. "Hey, Buddy!" Akmang kakalungin niya ito ngunit umiling ito. His little boy raised his right hand to give him a high five. "You look handsome." "Thanks, Dad!" Inayos nito ang suot na polo. Lexus is wearing a white pair of trousers and a hola top. "I've seen Mommy and Mama. They are both beautiful," nagniningning ang mata nito habang sinasabi iyon. "And your sister?" Tanong niya habang hinahanap ng mga mata ang anak na babae. "She's with them," Lexus holds his hand and pulled him somewhere. "There they are!" The three are wearing white dresses with rings of flowers on their head. Cameron and Louise are both beautifully smiling while talking to each other. "Hey," bati niya sa mga ito. Hinalikan niya sa ulo si Camaro. "You're so beautiful, Love," puri niya sa anak at ngumiti naman ito bilang pasasalamat sa kanya. Dumeretso siya nang tayo at hinalikan ang dalawang dalaga sa mga pisngi nito. "You are both stunning in white. Where's Renz?" Tanong niya kay Cameron. "He's already sitting. Bakit late ka na naman?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. "May tinapos lang sa office," sagot niya. "You have a date, Lou?" "Nah. I prefer to be alone," lumapit ito sa kanya at inayos ang buhok niya. "Gwapo talaga ng model ko," puri nito sa kanya. "I know that already," he grinned. Lumapit ang wedding coordinator sa kanila dahil magsisimula na ang kasal. Lahat sila ay parte ng entourage, maliban sa ikakasal na sina Messie at May. Siya ang tumayong Best Man ni Ross na ngayon ay blonde na ang buhok. Kahit na Hawaiian ang theme ng kasal ay pinili ng mga ito na gawin iyon sa simbahan dahil tingin ng mga ito ay mas sagrado pa rin iyon. "Kabado ka pa rin?" natatawang tanong niya dito nang makatabi niya ito sa gilid ng hagdan. "Of course!" Sagot nito sabay punas ng pawis. "You know how beautiful my wife is, right? And I thought that she's not going to accept my proposal." "We are talking about Anton here, Ross. You know how much she loves you, and she didn't change a bit," tinapik niya ito sa balikat. "Your fear is baseless." "Do you think so?" Alangang tanong nito. "Absolutely," nginitian niya ito. Napatingin siya sa mga naglalakad sa aisle. Magkasabay sina Cameron at Louise. Nakita niya ang pag-ngiti ni Cameron kay Renz na napakatikas sa suot nitong asul na polo. "There she is," napatingin siya sa pintuan ng simbahan. Antoinette is exquisitely beautiful with her long red hair and white wedding gown. Nang lingunin niya si Ross ay umiiyak na ito. He cleared his throat to suppress his laugh. "Stop laughing, Moron!" pasimpleng siniko siya nito. "I will laugh myself out when you cry at your own wedding." "How did you know that Anton is the one?" tanong niya habang nakatingin sa bride na napakaganda ang ngiti. Tingin niya ay naiiyak pa ito sa ilalim ng suot na belo. "Once you feel that you cannot live without her, then you know that she is the one," lumingon ito sa kanya at ngumiti bago humakbang palapit sa mapapangasawa. Buong durasyon ng misa ay nakikita niya ang abutan ng mag-asawa ng panyo at panay ang pagpunas ng luha. Ganoon pa man ay bakas sa mga mata ng mga ito ang kasiyahan. Nang mapatingin siya sa kinauupuan nina Cameron at Louise ay naiiyak din ang mga ito. Napangiti siya nang maalala si Violet. Hindi pa man siya umaabot sa puntong sinabi ni Ross ay alam niyang si Violet ang gusto niyang makasama habang-buhay. Buong durasyon ng kasal ay nag-iisip siya ng perfect execution ng proposal niya para sa nobya. "Hey, handsome. Wanna dance?" napatingala siya kay Louise na nakalahad ang kamay sa kanya na agad naman niyang tinanggap. Hinila siya nito sa gitna ng bulwagan. Ipinaikot niya ang braso sa maliit nitong baywang. "You're spacing out. Anything wrong?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Am I?" nakita niya ang pagtikwas ng kilay nito. "I am thinking of the perfect proposal for Violet." "Oh! Are you seriously thinking about it?" Nang tumango siya ay niyakap siya nito. "I am so happy for you! So when are you planning?" Her eyes are smiling towards him. "Two weeks from now. And I would like to ask you if you want to come with me, you know, for my plan to succeed, I need friends on my side." Alangang tanong niya dito. "Sure! I'll clear my schedule just for you!" Muli siya nitong niyakap. "Cameron will surely be happy about this as well." "I will tell her soon, but for now, please keep it between the two of us, okay?" Tumango naman ito. "Though I would love to take her with us, Renz is with her already." "Or ayaw mo lang na makita ni Cameron ang proposal mo?" Tumaas ang sulok ng labi ng dalaga. "What are you talking about?" Napakunot-noo siya sa tanong nito. "Don't mind me," she chuckles. "Binibiro lang kita." Tumingkayad ito at hinalikan siya sa ilong. "All I want is for the two of you to be happy." "I am happy with Violet, and she is happy with Renz. I cannot understand what you are implying, Lou," lalong nalukot ang mukha niya. "I am not implying anything, Mase. Ang sabi ko lang naman, gusto kong sumaya kayong dalawa....sa kanya-kanyang lovelife nyo," she grinned widely. "I love you and Cameron. Alam kong maayos na ang lahat sa inyong dalawa and I want you to continue that even you are both married, for the twins." Inihilig nito ang ulo sa dibdib niya. "I promise you that, Lou." Itinaas niya ang mukha nito. "The way you talk seems like you are going somewhere." "Hindi naman. Gusto ko lang maging maayos kayo ni Cam and your current partners will not affect your relationship with each other. And are you sure that Renz is a good guy?" Tumango siya at nginitian ito. "How long do you know him for you to allow Cam to be with him?" Sumulyap ito sa pares na nagsasayaw din ilang dipa ang layo sa kanila. "He's my client, and I know he's a good guy. Matagal na niyang gusto si Cameron at nakikita ko namang seryoso siya," confident na sagot niya. "You know how fragile Cam is kaya hindi pwedeng kung sino sinong lalaki lang ang sasamahan nya," bumuga ito ng hangin. "Basta, let's still keep an eye on her, ha?" "Opo. I promise," niyakap niya ito at hinalikan sa noo. "Let's not worry too much about her. She's a tough girl." Muli niyang tinignan ang pares na parehong nakangiti habang nag-uusap. Alam niyang mapapasaya ni Renz si Cameron at alam niyang tama ang ginawa niyang desisyon na ipagkatiwala sa binata ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD