"Cam, can we talk?" Tanong ni Mason na ikinalingon niya. Noon ay nag-aayos sila ng mga dadalhin na gamit ng kambal papuntang New Zealand. Napatingin siya kay Louise na tumango. "Go. Mag-usap kayong dalawa dahil iniirita ninyo ako," umingos ito. Siya naman ay napangiti at tumayo mula sa kinauupuan. Naunang naglakad si Mason patungo sa entertainment room. Inantay nitong makapasok siya sa loob bago isinarado ang pintuan. Siya na ang namili kung saan mauupo. Nagtungo naman ito sa snack area. "You want to drink anything?" Tanong nito sa kanya. Umiling na lang siya. "No but thanks," ngumiti siya. "Busog pa ako. Ang dami kong nakain sa dala nyo ni Lou," nang sabihin kasi ni Louise na laing ang tinanghalian ng mga ito, nagpadala siya upang iyon na ang maging hapunan. Ang kambal n

