Hindi niya maiwasang hindi matawa nang muling maisip niya ang pag-uusap ng dating mag-nobyo dalawang gabi na ang nakaraan. Ang sana ay gagawin niyang pakikipag-usap kay Louise ay hindi nangyari. Iisipn niyang nakalimutan na siya nito kung hindi lang nag-text kinabukasan at sinabi kung kailan ang balik nito sa Pilipinas. Magkita daw agad sila pagbalik nito. Kaya heto siya ngayon, nag-aabang sa paglabas nito sa airport. Kanina ay nag-message ito na nasa baggage counter na habang papunta siya sa airport. Natanawan na niya ito. Sa mismong harapan ng dalaga niya itinigil ang kotse. Bumaba siya at kinuha dito ang maleta matapos halikan ito sa pisngi. "Hello, Princess," bati niya sa kaibigan. "Himala, may dala kang bagahe," pansin niya dahil nakakapanibago na may bitbit ito gayong ila

