Love Stop 5

1166 Words
"Dad!" napalingon siya kay Camaro. "What's taking you so long?" Hinaltak nito ang kamay niya palabas ng kuwarto. "I saw the sandwiches that you made, but I think it's not enough for us. You know naman po na ang lakas kumain ni Lexus." Natawa siya sa sinabi ng anak. "I'll order in Subway. Would you like that?" "Pero parang nagluluto na po sina Manang Nena. I heard Mama Louise instructed them to cook something for us. You can check it first before buying kaya?" suggestion nito. "If you say so. Wait, have you spoken to your Mommy V?" tanong pa niya. "Yes!" nawala ang ngiti nito sa labi. "I miss her so much, Dad. Kailan natin siya pupuntahan?" "How about after my graduation?" Nanlaki ang mga mata nito. "But keep it a secret, okay?" Kinindatan pa niya ito. "Yehey! Sure, Dad! But I can tell Lexus, Mama Louise, and Mommy Cam, right?" Tumango naman siya. "You can count on me! Ohhhh! I really want to go where she is right now!" Niyakap siya nito sa bandang baywang dahil iyon pa lang naman ang kayang abutin nito. "I love you, Daddy! And I love your special family," napangiti siya sa sinabi nito. "I love you more, kayo ni Camaro, and this special family of ours," tumungo siya upang halikan ito sa ulo. "Now go and talk to your Mommy V and I'll check the kitchen." Ngumiti lang ito at dumeretso na siya sa kusina. Naabutan niya ang ilang kawaksi na naghahanda ng mamimiryenda nila. "Gagawa po kayo ng pesto pasta, Manang Nena?" tanong niya dito nang makita niya ang mga nakahandang sangkap sa harapan nito. "Oo sana kasi mukhang kulang ang ang nagawa mong sandwich. Malakas kumain ang anak mong lalaki," nakangiting sabi nito. Mababait ang mga kawaksi ng mga Villaluz. Ang iba doon ay mga katiwala ni Gwain sa hacienda. Kaya kahit iwan ni Louise ang mansyon nang matagal ay alam ng dalaga na nasa mabuti itong mga kamay. Sa dami nang mamahaling gamit sa bahay ng kaibigan, kailangan talaga ay mapagkakatiwalaan ang mga iiwan nito kaya naman ang panganay na kapatid nito ang naghanap ng makakasama nito sa bahay. "Salamat, Manang. Makakagawa po kaya kayo ng black gulaman?" tanong pa niya. "Oo naman at laging mayroon niyan dito. Alam mo naman ang kaibigan mo, sinisiguradong lahat ng paborito ng kambal ay laging mayroon dito sa bahay," na siya namang totoo dahil minsang naisama siya ng dalaga sa pamimili ay puro para sa kambal ang mga inilalagay nito sa shopping cart. "Salamat po, Manang. Dadalhin ko na po muna itong mga sandwiches sa kanila para kahit paano ay mawala na ang gutom ng mga iyon. Pasuyo na lang po ng malamig na tubig," pagkuwa'y tumalikod na siya upang magtungo sa living room kung saan ay naaabutan niyang nakatalungko pa rin ang apat sa laptop. "Kain na muna kayo para makausap ko naman ang girlfriend ko," inabutan niya ang mga ito ng tig-iisang sandwich. "Manang is cooking her specialty for us." Sumulyap siya sa screen ng laptop. "Mine, what do you have there for snacks? Baka nagpapagutom ka dyan masyado, ha!" "Hindi kaya! I cooked Menudo earlier. Pambaon ko na din bukas sa work. Wait lang, kukuha ako at naiinggit ako sa inyo," tumayo ito at napalunok siya nang makita ang suot nitong napaka-ikling shorts! "Tease!" napalakas ang sabi niya. "I heard you!" narinig niya ang sigaw nito kahit wala sa screen ang mukha nito. "Mamaya na ang lablab, Dad at maeeskandalo ang mga anak mo," narinig pa niyang sabi nito. "Tuck your L somewhere, Mr. Falcon. Bawal marinig yan ng mga bata," sita sa kanya ni Louise. "Kapag yan talaga napick-up ng dalawa, naku ka talaga sa akin!" inambahan pa siya ni Cameron ng suntok. "Wait lang ha! I am a good boy here. Why are you all gagging up on me?!" nanlalaki ang mga mata niya. "Good boy talaga si Dad, di ba, Ron?" siniko pa nito ang kakambal na tumango naman. "Anak talaga kita!" Nakipag-high five siya kay Lexus. "Oy, Dad," napatingin siya sa laptop. May dala itong isang bowl na may kutsara. "Gaano ka ka-good boy dyan?" "Gusto mo ba talagang malaman, ha?" Naghahamon na sabi niya. "Ang gross mo talaga!" napa-hawak siya sa kamay ni Louise na nakakapit sa buhok niya. Tawa naman nang tawa si Cameron at si Violet naman ay hindi malaman kung matatawa o mag-aalala para sa kanya. "Thanks for doing that for me, Best," nag-apir pa talaga! "Kawawa talaga ako sa inyo! Thank God, wala dito si V or else....." Nabitin ang anumang sasabihin niya dahil sa malakas na pagtikhim ni Violet kaya naman napatingin siya sa monitor. "So masaya ka na wala ako dyan, ha?" Ibinaba nito ang hawak na bowl para mamaywang. Tumikwas pa ang kilay nito. "Of course not! What I am trying to say is, nabawasan ang mga kamay na nananakit sa akin!" reklamo niya dito. "Alam mo namang miss na miss kita eh then sasabihan mo akong masaya ako na wala ka dito." "Okay, Best, kids, we have to leave the two alone. Nagsisimula nang magpaka-cheezy ang tatay nyo," natatawang aya ni Cameron sa mga ito. "Ayaw pa," sabay iling ni Camaro. "I still want to talk to Mommy V," ngumuso pa ang kanyang anak na babae. "Come na, Ronron. Let's give them privacy. We already had our time with Mommy V," hinawakan na nito ang kamay ng kakambal upang tumayo na mula sa kinauupuan. Si Louise naman ay kinalabit na ni Cameron at sinenyasan na tumayo pero mukhang ayaw pa nito. Humalukipkip pa ito at dumikwatro sabay ngiti ng malaki. "Gusto kong marinig ang pagka-cheezy nito eh," lumingon ito kay Cameron. "You go ahead," sabay muwestra na pina-aalis ang kaibigan. "I'll sit here with Mama Lou!" Kumawala si Camaro sa pagkakahawak ng kapatid at naupo sa tabi ng ina-inahan. Umabsiyerte pa ito sa dalaga. "Eh di ako din!" Naupo sa kabilang panig niya si Cameron. "Guys?!" Nanlalaki ang mga mata ni Lexus. "Are you seriously going to listen to their cheesiness?!" "Why not? They are not going to talk about anything that we didn't know, right?" Sagot ni Camaro sa kapatid. "That's the point! We already know about it but you're still here!" Humalukipkip si Lexus na akala mo ay matandang sinauna. "Please, let us leave the two of them, okay?" Pakiusap nito. Nang hindi pa din gumagalaw ang tatlong babae sa tabi niya ay napailing na lang si Lexus at kinuha ang laptop na nasa harapan niya sa gulat nilang lahat. "I'll take you to your room," sabi nito sa kanya. Natawa siya. Kahit kailan ay kakampi talaga niya ang anak na lalaki. "I'll take it from here," inabot niya ang hawak na laptop nito bago nilingon ang tatlong naka-upo pa din sa couch. "Bye, ladies!" Kumaway pa siya bago naglakad papunta sa hagdan." Nang maisara niya ang pintuan ng kuwarto ay tinignan niya ang nobya. "Now, we're alone," and he grinned at Violet who are giggling after seeing what happened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD