Love Stop 4

1160 Words
He can still remember how much they both cried while saying what they felt to each other. At naawa siya sa dalaga dahil sa mga pinagdaanan nito noong panahong nagsasama sila. ''You heard about Clarence, right?" tumango siya. "I didn't know na nagkaroon ng something si Dad and si Ms. Gwen. Then I have this thing in me about being a young mother, undergrad, bloated...." Hilam ng luha ang mata nito. "Alam mo yung feeling na patong patong silang lahat sa utak ko? Kasi inggit na inggit ako sa mga kaibigan ko na nakapagtapos and they will go to their target universities. Halo halo na ang nararamdaman ko that time," patuloy ang agos ng luha nito. "But I was there with you. Di ba sabi ko, hindi kita iiwan and I will do everything to be a good partner for you," inabot niya ang tissue at kumuha ng ilang piraso nito. Siya na mismo ang nagpunas ng luha ng kaibigan. "I don't know why having you with me is not enough....siguro dahil alam kong you don't love me the way you feel towards Louise. Yung kahit nakuha na kita sa kanya, I know that I cannot fully have you, alam kong siya pa rin ang mahal mo, and your words are not enough, Mason. Basta nasa paligid si Louise, natatakot akong iwan mo...." "Even I have plans to take her back, she doesn't want me anymore," napabuntong-hininga siya. "She rejected me countless of times. Ako lang itong makapal ang mukha na nagpipilit pa na magkabalikan kami. She has high morals, you know that," tumango naman ito sa kanya bilang pagsang-ayon. "And kahit nung umalis ka, hindi pa rin siya nakipagbalikan sa akin." "Do you think if I stayed, we would be happy? Are you going to love me?" tanong nito sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito. "Siguro kasi alam mo naman na naririto ka, di ba?" itinuro niya ang tapat ng puso. "You didn't allow me to be a part of the whole you...you're just giving me fragments of you. Siguro, if you just gave me a chance...siguro.....siguro ikaw ang minamahal ko nang buo...." "And wala si Violet sa buhay mo..." Dagdag nito. "Hindi sa sinisisi ko si Violet dahil ano ba naman ang kasalanan niya, di ba? I am blaming myself for leaving you because I am the one who let V be a part of your life..." Muli siyang huminga ng malalim. "She's one of the best things that happened to me," he caresses her knuckles. "She's so trusting though there's an instance in our relationship that she also gets envious with Louise for always being there at my side but eventually, she gets used to it. Nakita nya kasing walang anumang namamagitan talaga sa amin." "I love you then but I trust you less," inabutan muli niya ito ng tissue upang makasinga dahil tila nagbabara na ang ilong nito kakaiyak. "Don't you think?" "Can I say that we both have a share of faults in the past?" napangiti siya ng tipid nang tumango ito. "We tried on our part to be a good partner to one another, but maybe because we are both young that is why we both easily gave up." "Will you please add that there's no strong foundation of love in there?" ngumiti na din ito habang nagpupunas ng luha. "One factor din un," sabi niya. "In a relationship, having only one person who is giving love is not enough. You should row life together." "And on my part, I learned that you could not earn love in haste," tumango siya sa sinabi nito. "Masyado akong nagmadali para makuha ka pero hindi ko naman kinaya ung mga consequences. Alam mo ba that time, ang nasa isip ko lang eh maagaw ka kay Louise?" natawa ito nang pagak. "Hindi ko naisip ung mga mangyayari after...that I might get pregnant, that I might not finish school...yung mga ganyan. Basta nasa isip ko lang, I want you, and I have to get you no matter what!" "Laruan lang?" ngumiti siya dito at napatawa ito. Hinaplos niya ang mukha ng dalaga. "Alam mong mahal kita, Cameron, di ba?" Tumango ito at hinawakan ang kamay niya. "I know that I am special to you..." "Alam mo bang malapit na dapat yun kung di ka umalis? I was ready to give my heart to you, but you suddenly left. Kaya siguro napalitan ng galit ang pagmamahal ko. I felt betrayed," pag-amin niya. "Mason I...." muling nangilid ang luha nito. "I know my sorry will not be enough. You have all the right to be angry. Kung sana nakapag-antay pa ako..." Inabot niya ito at hinalikan sa noo. "Hindi na natin pa maibabalik ang nakaraan, Cam. At sana, ito na ang huling beses na uungkatin natin ang bagay na ito dahil gustong gusto ko na magka-ayos tayong dalawa para sa mga bata...." Humiwalay ito sa kanya at humalukipkip. "Talaga ba eh para ngang papatayain mo ako lagi!" Napahalakhak siya sa sinabi nito. "Syempre galit ako kasi bigla ka na lang umalis tas bigla kang bumalik na walang niha-niho, di ba? Gawin ko kaya iyon sa iyo, hindi ka ba magagalit man lang? Tatanggapin mo lang ba ako agad-agad?" "May point ka dun at naiintindihan ko naman. Sa paglayo ko sa inyo ng kambal, ang dami kong natutunan like hindi pala lahat ng bagay na gusto natin eh makukuha natin. You have to think about the people around you...kung may masasagasaan ka ba sa mga gagawin mong desisyon.....oy!" inilayo nito ang ulo sa kanya dahil bigla niyang ginulo ang buhok. "I am not a kid anymore!" "I just missed doing that to you," tinitigan niya ito sa mata. "You really learned a lot, Cam, and I am so proud of you. You will meet a lot of guys so go out and date. Matutuwa ako kung makikipag-date ka para naman magka-lovelife ka na." Umiling ito. "Ayoko kasi kapag ginawa ko un, mahahati ang oras ko para sa kambal. Ngayon pa nga lang ako bumabalik sa buhay nila, panlalalaki agad ang iisipin ko!" Natawa siya nang umirap ito. "Mag-aaral pa ako kasi alam mo namang inaasahan ako ni Daddy na makakatuwang niya sa pagpapatakbo ng mga hotels namin. At ikaw din!" mahinang sinuntok nito ang balikat niya. "Dapat magtapos ka na din sa pag-aaral. Naligaw na nga tayong pareho ng landas at hindi magandang examples sa mga kapatid natin, kahit man lang sa pag-aaral, bumawi tayo. Hindi na dapat tayo maging reason ng disappointments na naman ng parents natin." Natutuwang kinurot niya ang ilong nito. "Hayaan mo, hindi na sila madi-disappoint pa sa atin. We can be successful together, para sa atin at sa mga bata." "Pinky swear nga," inilahad nito ang hinliliit sa kanya. "Pinky swear," at tinanggap niya iyon. Natutuwang nagkuwentuhan silang dalawa nang mga panahong nagkahiwalay sila at iniiwasan ang mga balita tungkol sa isa't isa. Parang ang ilang taon ng sakit sa puso nila ay kagyat na nawala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD