"Dad, you won't believe this!" kitang kita ni Mason ang excitement ni Violet habang kausap niya ito through video call.
"Bakit parang kinakabahan ako," kunwari ay hinagod niya ang dibdib nang paikot. "Maganda ba yan, Mine?" he's calling his girlfriend Mine, and this is because he thinks Violet is the right girl for him.
Napatawa ito nang malakas. "Of course! Maganda ito. Listen, Dad. I bought a place of my own!" sabay dampot nito ng kung ano at ipinakita sa kanya. "It's not so big but enough space for my Lolo and Lola. They have their own rooms and it's cheap," bakas ang kasayahan sa magandang mukha nito.
"Wow! That's great! I am so proud of you, Mine," sobrang natutuwa talaga siya sa nangyari para dito. Mabilis ang naging pag-angat nito sa puwesto sa kumpanya dahil sadyang matalino naman ang nobya at idagdag pang masipag talaga ito. "In just a short span of time, you already have your own place!"
"Thank you for pushing me, Dad. You know how scared I am being alone, but you're always there to give me courage. Your faith and love are great factors why I am like this now," nakita niya ang pangingilid ng luha nito.
"You deserve it, Mine, and you know that I am one hundred percent with you in any aspect," hinaplos niya ang screen ng laptop. "I miss you, sobra sobra."
"Ang cheesy nyo!" natatawang tinapik siya ni Louise sa balikat.
"Hi, Violet!" hinawi ni Cameron ang ulo niya upang maisingit ang mukha sa screen. "How are you there?"
"Oh hi, Cameron, Louise!" pasimpleng nagpunas ito ng luha at muling nagliwanag ang mukha. Natawa ito nang pinalayas siya ni Louise sa harapan ng laptop at ang dalawang dalaga ang naupo doon upang kausapin ito. "How are you doing, Ladies?"
Naiiling na tumayo si Mason at naghanda ng makakain nilang tatlo. Kapag kausap na nang mga ito si Violet ay kung ano ano ang topic na napag-uusapan nang mga ito.
Nakakita siya ng loaf sa kusina ni Louise at nang buksan niya ang refrigerator nito ay puno naman ng laman kaya madami siyang mailalagay sa sandwich na kakainin nila.
Naririnig pa niya ang tawanan nang mga ito. Nang matapos siya sa paggawa nang sandwich ay pinuntahan niya ang kambal na naglalaro ng video games sa playroom ng mansyon.
Louise owns a huge house situated in Taguig. Kapag magkakasama sila ay doon sila nagpupunta dahil may pool, may entertainment room, playroom for the kids, personal gym na kumpleto ang mga kagamitan, mini-exhibit room kung saan naroroon ang iba't ibang collections nito at napakalaking underground parking na mayroong mahigit sa sampung kotse. Yes, Louise is a car collector just like her father, and Ajerico was so ecstatic with the idea that his little girl is like him.
"Kids, that's enough. Naka-one hour na kayo, right?" tanong niya sa kanyang kambal.
"Half an hour pa po, please," sagot ni Lexus sa kanya.
"But your Mommy V is now online...." bago pa niya natapos ang sinasabi ay kumiripas na nang takbo ang dalawa palabas ng playroom. Hindi na nga nagawang patayin pa ang tv.
Napangiti siya. Kahit na matagal tagal nang hindi nakikita nang personal ng kambal ang nobya niya ay close pa rin ang mga ito dito. The kids grew up with their three mothers. Hindi niya akalain na ikasasaya nang mga ito ang ganitong sitwasyon nila.
'We are blessed with many people loving us,' ~ Camaro
'We are glad that we have all of you,' ~ Lexus
The uncanny family relationship they have is really unbelievable. Kahit siya mismo ay hindi niya inaasahan na magwo-work out ang ganito.
Louise is the constant person in his life, then and now, and he can say that their love is platonic. Ayaw niyang mawala ito sa kanya ngunit alam niya kung anong relasyon lang meron silang dalawa. As for Cameron, they talked about their differences. Nagkaayos sila at naging magkaibigan para sa mga bata. And it happened because of Louise and Violet.
The two set them up to sit down and talk. Pati mga bata ay kinasabwat ng mga ito na gustong maligo sa dagat kaya naman agad siyang nag-leave para mapagbigyan ang mga anak. Sa beach ng Tito Nathan nila sila nagpunta ngunit sa m alapit lang sa Maynila niya piniling pumunta dahil kain oras din kung sa malayong lugar pa sila pupunta. Si Louise ang nakipag-usap kay Kaye, ang asawa ni Nathan, sa plano nang mga ito na pag-ayusin sila ni Cameron. At nang malaman ni Nathaniel iyon ay agad nitong ipinaayos ang mga tutuluyan nila at nagbilin na wala silang babayaran kahit magkano. Ultimo ang mga pagkain nila ay hindi pinabayaran ni Nathaniel. Regalo na lang daw nito sa kanila dahil sa nangyaring reconcilliation nila ni Cameron.
Civil pa rin sila ni Cameron sa pakikitungo sa isa't isa kaya naman pareho silang nag-iiwasan, kahit kapag magkakasalubong sila sa hallway. At dahil nga hindi sila mapagsama o mapagtabi man lang nina Louise at Violet, kinutsaba na naman ng mga ito ang kambal. Umarte si Camaro na masakit ang tiyan. Dahil si Cameron ang kasama ng kambal nang mga oras na iyon sa kuwarto, agad na nanakbo palabas ng kuwarto si Lexus upang hanapin siya. Nang malaman niya ang nangyari sa anak na babae, agad siyang pumunta sa kuwarto. Hindi niya alam na naroroon ang ina ng kambal. Nagulat man ay mas nanaig ang pag-aalala sa anak na kasalukuyang nakahiga sa kama at namimilipit sa sakit ng tiyan. Agad niyang nilapitan ang anak kahit pa nakaupo si Cameron sa bandang kanan ng kama.
Ngunit bago pa man niya mahawakan ang anak ay bigla itong tumayo at nagtatakbo papunta sa pintuan. Bago pa nito isinara ang pintuan ay sumilip pa ito, ganoon din si Lexus upang sabihin na mag-usap silang dalawa.
"We will love to see the two of you become friends again, for the two of us." - Lexus
"If you love you, us, you will talk to each other again." - Camaro
Matapos sabihin iyon ay isinarado ng dalawa ang pintuan. Nagkatinginan sila ni Cameron ngunit agad ding nagbawi. Hindi niya alam kung ilang minuto ang nagdaan bago nagsalita si Cameron. Alam siguro nito na hindi siya ang unang magsasalita. Mas gugustuhin pa niyang magtagal sila doon kaya pinanatili niyang nakatikom ang kanyang labi.
"I don't know where to start," sabi nito sa kanya. Napansin niyang kinukurot-kurot nito nang maliliit ang dulo ng mga daliri.
"Start from the bottom. We have all the time in the world," sagot niya.