"You know that I don't like him, right?" Tinignan niya si Cameron bago sinulyapan si Mason. "Pero dahil malakas ang backer, hinayaan ko na lang," inikot ikot niya ang baso na may lamang alak. Kumuha ng fries si Mason at pinitik papasok sa bibig. "You should have told me in the first place," sisi nito sa kanya. Kumuha siya ng yelo at binato ito na kahit umiwas ay tinamaan pa rin niya ito sa noo. "Ouch!" - Mason "Louise!" - Cameron "OA!" Inirapan niya ang dalawa bago lumagok ng alak. Si Cameron ay dinaluhan si Mason at nanlaki ang mga mata nito nang makitang namula ang parteng tinamaan ng yelo. "Oh my! Baka magkapasa ito, Louise!" Mabilis na kumuha ng yelo si Cameron upang ipatong sa noo ni Mason kung saan niya ito tinamaan. "Sus! It's like a soft pinch, Cam, I assur

