Love Stop 12

1220 Words

"M-Mason," mahinang tawag niya dahil ayaw niyang marinig ng grupo nangingilid na ang luha niya at anumang oras ay papatak na iyon. Mahigpit ang pagkakahawak ng kaibigan sa braso niya. Inilagay nito ang hintuturo sa ibabaw ng labi upang hindi siya gumawa ng ingay. Madilim ang mukha nito kaya siguradong narinig nito ang pag-uusap nina Renz at mga kaibigan nito. "I am," narinig nilang sagot ni Renz kaya naman ang balak ni Mason na ilayo siya doon ay hindi nangyari. "I really want to be with her.... heck! I want to marry her!" Napahugot siya nang hininga sa sinabi ni Renz. Hindi niya akalain na seryoso pala talaga ito sa kanya. Samantala, lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Mason at kahit nasasaktan na siya ay isinawalang bahala niya iyon dahil mas nanaig ang pagnanais niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD