CHAPTER 13

1266 Words
Elijah's POV: “Hey b***h, pa-order ako.” Lihim akong napairap nang marinig ang customer. Nakakainis! Eto na naman! Lagi na lang b***h tinatawag sa‘kin! Kapag talaga ako napuno, sasabunutan ko ’to kahit pa matanggal ako sa trabaho! Tumayo ako nang tuwid at pilit na ngumiti bago humarap sa customer ko. “Yes ma'am-” Pero agad nawala ang ngiti ko nang makitang si Adi ’yon! Siraulong babae! “Tarantada ka talaga! What if sabunutan kita?!” Sabi ko bago ilapit ang kamay ko sa kaniya, muntik ko na siyang sabunutan! “Ang plastik mo pala ngumiti kapag ganoon customer! Hay, nothing changed! Mas gusto ko ‘yung sinadya mong itapon drinks nung customer mo dati.” Pagkukwento niya habang natatawa dahilan para matawa rin ako. Gano‘n talaga ako dati kapag napupuno na, pero ngayon sinusubukan kong magtimpi kasi baka matanggal ako. Ayoko naman mangyari ‘yon lalo na‘t isa sa mga kapatid ko, si Yvone ay nasa first year college na kaya sigurado akong maramin na ang mga gastusin. Sa ngayon, kaunting tiis na lang naman dahil graduating na rin naman ako. “Oh, ano bang ginagawa mo rito?” I asked her. Baka mamaya mapagalitan pa ako kung makikipagdaldalan lang ako sa kaniya! “Wala, oorder lang! Kasama ko ‘yung kalandian ko, eh!” she laughed. “Hmm... Malandi ka nga talaga,” I laughed. “First day or last date?” Natatawang tanong ko. Palagi naman siyang ganito kapag may date! Wala pang nakakatatlong date sa kaniya dahil palaging first or last. Dahil minsan ang problema ay hindi niya gusto ‘yung lalaki, o ‘di kaya type niya kaso may saltik lang talaga. Hindi ba naman kasi marunong mamili! Dapat kagaya ni Kenzie ang mga pinipili niyang kalandian! Pero of course, madamot ako kaya hindi ko i-sshare. “First and last date!” She laughed. “I don't wanna date a broke guy. Pogi nga, self centered naman! Puro basketball lang kinukwento, tapos mahilig mag-invalidate ng feelings ko, and first and last date na ‘to ako pa magbabayad imbis na siya!” Natatawa akong napairap bago inopen ang monitor, ready na ilagay ang order niya. “Then, why are you still here? Date pa talaga ha, eh red flag naman!” Sabi ko habang nakatingin sa monitor. “Para maipamukha sa kaniya na wala siyang kwentang lalaki, and para na rin umayos ang buhay niya.” She said. “Anyway, one clubhouse and large drink with fries. Then, one piece of chicken with large coke. ‘Yun lang! How much?” Inilagay ko sa monitor ang lahat ng sinabi niya, habang siya naman ay inilalabas ang walet niya. “370 lahat.” I told her. “Okay here 400, tip ko sa yung change.” She smiled at me. “My father gave me allowance pala, want mo mag-bar?” “Pass, busy ako. May tutor pa ako mamaya after nitong shift.” Sabi ko sa kaniya. “Okay if you say so!” Si Adi, lumaki siya sa mayamang pamilya. Siguro, hindi kagaya ni Kenzie na sobrang yaman talaga but still, lumaki si Adi ng walang paghihirap. Lahat siguro ng gusto niya, nakukuha niya. Money, material things, at family bonding. Lahat meron siya. Minsan, pumapasok sa isip ko na sana ako. Sana hindi ko kailangang magtrabaho, sana may binibigay na lang din na allowance magulang ko. Mga ganiyan. Pero, kapag naiisip ko ’yon, napapangiti na lang ako. Ayokong makaramdam ng inggit sa kaibigan ko dahil masama ’yon. After ng shift ko, pumunta agad ako para itutor ‘yung grade 11 student ko. Bandang 8 pm na rin ‘yon. Kailangan ko ngang umalis ng maaga sa trabaho kasi hindi pwedeng sobrang gabi matapos ang tutor, baka dito naman ako matanggal. “Then, i-sosolve mo lang siya ng-” Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansing tahimik siya. “Are you listening to me?” I asked. Nakapatong ang kamay niya sa lamesa at ang ulo niya naman ay nasa kaniyang kamay bilang suporta. “Yes teacher,” he said. “Sige nga, I-solve mo ‘to.” Inusod ko ang papel sa harap niya pero hindi naalis ang tingin niya sa‘kin, dahilan para hindi ako makumportable. “Teacher, kapag ba na-solve ko ‘yan... Ipapahawak mo sa‘kin ‘yang dede mo?” He asked. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Excuse me? Anong sabi mo? Gusto mo bang isumbong kita sa mommy mo?” Nakataas ang kilay ko habang tinatanong sa kaniya. “Ipapadagdag ko kay mommy sahod mo kapag pinayagan-” Hindi ko na siya pinatapos sasabihin niya. Tumayo ako at iniligpit ang gamit ko. “Naka-record ‘tong session natin, kaya umasa ka nang mapapagalitan ka-” Umayos siya nang upo, kinakabahan na. “Teacher, ‘wag!” “No, deserve mong mapagalitan,” I said. “And, stop being so pervert. Hindi lahat makukuha mo sa pera lalo na kapag babae. Tsaka isa pa, bata ka pa kaya ‘wag kang ganiyan dahil kung hindi baka napadugo ko na ‘yang labi mo.” Inis na inis ako nang umalis ako sa bahay nila. Hindi na ako nagsabi sa mommy niya na umalis na ako, sinend ko na lang ‘yung record para marinig niya ang pinaggagawa ng anak niya. Nakakabanas! Inis na inis at pagod na pagod na nga ako sa pagtatrabago mula kaninang umaga, talagang ginagago pa ako nung batang ‘yon! Kasing edad niya pa man din si Nathan, ang kapatid ko! Grabe, nakakainis! Nasa bahay na ako pero inis na inis pa rin talaga ako. Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame nang tumunog ang cellphone ko. Ayoko sanang tignan pero hindi ko maiwasan dahil sunod-sunod ang pag-vibrate! “s**t, nakakainis!” Inis kong sabi sa aking sarili. From: nobody. I don't think we'll see each other tonight. 2 hrs ago. From: nobody. Yeah, I'm right. I'm not available haha. 1 hr ago. From: nobody. How are you? Are you busy? Now. Jusko Lord! Ang clingy naman nito! Feeling boyfriend! To: nobody. oks lng, kauuwi ko lang din tangina pagod To: nobody. kailan ka free? From: nobody. Next week :( To: nobody. KADIRI K KENZIE, BUCKET ANG CLINGY M!!! YUCK YUCK From: nobody. Oh, really? I'm sorry HAHA To: nobody. so next week pa? kk goo lang After no’n ay binaba ko na ang phone ko bago humiga sa kama. Fvck. My heart was beating so fast! Delikado talaga ’to! “Ahhhhh!” sigaw ko bago nagpagulong-gulong sa kama, naiinis. Lumipas ang ilang araw, at isang linggo ay tsaka lang kami nagkaroon ng pagkakataon magkita ni Kenzie. I mean, pagkakataon para makita ko. Kasi siya lang naman ’yung sobrang busy kaya hindi kami nagkita. Nakakapagtaka rin dahil medyo ibang-iba siya ngayon hindi kagaya nung tuwing nagkikita kami dati. Medyo parang wala siya sa mood ngayon. Hindi ko alam kung bakit. “Problem?” tanong ko habang kumakain kami sa condo niya, kararating ko lang pero feel ko wala talaga siya sa mood at parang gusto akong pauwiin! Hindi ko na alam! “Nothing,” he shook his head before laughing a little. “Weh?” paninigurado ko. “Eli, what are your thoughts if I'm getting married?” biglang tanong niya. “Huh? Bakit? Ikakasal ka na ba? Kailan?” “Yes. Next month. But they want to rush things, so baka 3 weeks pa before my marriage.” He said. Nabitawan ko agad ang hawak kong tinidor sa sinabi niya. Puta?! Seryoso ba siya roon?! Ikakasal si Kenzie?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD