CHAPTER 05

1042 Words
Elijah's POV: “Oh, Ms. Fajardo. You're late, again?” Hingal na hingal ako nang mapatigil ako sa tapat ng aming classroom. Lahat yata ng kaklase ko ay nakatingin sa‘kin. Ang lalagkit pa ng tingin nila, parang jinujudge na ang buong pagkatao ko! “Uhm... Ano po kasi-” “No, 2nd time mo nang ma-lalate sa klase ko,” he cut me off. Grabe, nung last time naman na na-late ako last month pa! Tsaka 2 to 5 minutes lang naman ako na-lalate! “Hindi ka ba pinalaki ng magulang mo ng tama? Napakawalang kwenta mong estudyante, ni hindi mo masunod-sunod nang maayos ang time ng klase!” Galit na sabi niya dahilan para mapataas ang kilay ko. “I‘m sorry po,” tanging sabi ko. “Pero huwag niyo naman po idamay ang magulang-” “Paano hindi idadamay sa kapabayaan mo? Kung walang kwentang estudyante ka, edi mas lalong walang kwenta ‘yang magulang mo dahil sa pagpapalaki sayong iresponsable!” I bit my lower lip to stop myself from lashing out. Baka mamaya, mapatulan ko ‘to tapos sa huli ako pa ang masama. Tangina, nakakabanas. Parang dalawang minuto lang akong ma-late, dinadamay na agad ang magulang ko! Tangina, kung makapagsabi akala mo naroon siya habang pinapalaki ako! “Go to the back! Face the wall-” “Sir, pogi!” Napatigil ang prof namin nang tumayo ang isa sa klase namin... Or should I say my best friend, Darius?! Ba’t nandito ’yan?! He smiled at me bago siya tumingin kay Prof. “Chill lang po! Baka po maubos time natin kung papagalitan niyo lang po si Elijah. Kaya chill lang po-” “Mr. Alejandro?” masungit na tawag sa kaniya ni Prof. “Po?” “Gusto mo ba samahan siya sa likod?” he asked him. Akala ko hindi siya papayag, pero eto kami ngayon! Nasa likuran! Naka-face the wall! Jusko, sabi ni Prof buong klase niya raw kami tatayo rito! Eh, 3 hrs ang klase niya! At take note, naka-angat pa talaga ang kamay namin! Ngumuso ako habang nakatingin sa pader, nangangawit na. Gusto ko na umupo! Lord, promise last na ’to! Hinding hindi na ako magpapa-late! “Pst, Jah...” Napatingin ako kay Darius na bahagyang kinukurot ang daliri ko. Napangiti agad siya nang lumingon ako. Agad akong sumimangot bago siya tinawanan. “Parang gago kasi, sumagot ka pa edi damay ka ngayon!” natatawang sabi ko. Engot kasi! “Okay lang ‘yon, birthday mo naman! Gift ko na ’to, ha? Be thankful!” He laughed. “Anong gift? Lul! Hindi ako natanggap ng gift na galing sa katangahan.” I laughed. Tumawa rin siya at tumingala pa sa taas bago muling ibalik ang tingin sa‘kin. “Ouch, grabe,” he pouted. “Talas talaga magsalita! Nakakatampo ka na, Elijah!” “Huy gago joke lang! Ikaw kasi, eh! Dapat hinayaan mo na lang si Prof!” sagot ko. “Tsaka, hindi ka naman talaga rito! Bakit ka nakiki-sit in?! Cutting ka sa klase mo, ‘no?” Sabi ko bago kinurot ang daliri niya. “Aray!” he reacted. “Hindi naman! Wala lang talaga akong klase ngayon, kaya naki-sit in muna ako. Tsaka, birthday mo rin! Ayain sana kita kumain after ng klase mo!” “Sus, palusot!” “Happy birthday!” he laughed at my reaction. After ng klase ni Sir, umupo agad ako sa sahig. Minasahe ko agad ang dalawa kong braso dahil sobrang nangangawit na! Hindi ko na nga maramdaman sa sobrang ngawit! Tangina, 3 hours kaming naka gano‘n! Meron pa akong isang klase na tinapos bago kami lumabas no Darius para kumain. Actually, hindi agad kami kumain non. Hinintay muna naming matapos ‘yung klase ni Adi sa baba bago kami kumain sa labas ng campus. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila kung saan kami kakain. Paano ba naman ako magdadaldal nito?! Eh, ngawit na ngawit pa rin ‘yung braso ko hanggang ngayon! Pakiramdam ko, wala na akong braso! “Hoy, Jah! Bakit ka nakasimangot? Kakain na nga tayo, eh!” Tawag ni Adi. Mas lalo akong sumimangot sa kaniya kaya lumapit siya sa’kin para akbayan ako, natatawa. “Sinong ‘di mababagot, tatlong oras kaming nag-face the wall tapos naka-angat ka kamay!” tumatawang sabi ni Darius bago umakbay sa kabila ko. “Totoo, oa niya! Naiirita na ako, ha! Sana tangalan siya trabaho ni-” napatigil agad ako nang muntik ko na masabi ang pangalan ni Kenzie. Jusko talaga ‘tong bibig ko, walang preno! Hindi pa naman nila alam na ka-fubu ko ’yon! Tsaka, mas mataas ang chance na isipin nilang baliw ako kasi, duh?! It's Kenzie Mclaire! Ang dami-daming babaeng nagkakandarapa sa kaniya, mayaman, model tapos ako lang magiging ka-fubu? Ay jusko, baka sabihin pa nag-aadik ako! ‘Yan, masyado kasing malayo mga nilalandi mo, Elijah! “Sino, beh?” tanong ni Adi. “Ni ano... Nung mga official! Sana may magsumbong!” Palusot ko. “Ay, malabo ’yan! Favorite ’yan, eh! Pustahan pa tayo!” Panghahamon ni Darius sa‘kin. Ay nako teh, kung alam mo lang! Gusto na nga tanggalin ni Kenzie ‘yang si Mr. Lim! Makikipagpustahan ka pa talaga sa‘kin?! “K, 500! G?” Tanong ko. “Hina mo naman, 1k!” Sabi niya. “G!” sabi ko. Wala naman talaga akong pera para pamusta, pero sure akong matatanggal ’yan! “Dami pera ha!” natatawang sabi ni Adi pero napatigil siya para tignan ang leeg ko. “Hala ka diha! Tamo, saan ka nang holdap?!” she asked me. Lumapit pa siya sa‘kin para hawakan ‘yung kwintas na regalo sa‘kin ni Kenzie. “Ha? Tanga, gift ‘to! Anong holdap?!” natatawang sagot ko bago tinabig ang kamay niya. “Anong gift? Sino friend mong mayaman? May sugar daddy ka, ’no?” tanong niya ulit. “Oa ka! Gift nga ‘to! Hindi ko sugar daddy!” “b***h, alam mo bang 5.5 Million ‘yan?! Pati ‘yung bracelet! Anong gift?!” Agad akong nabilaukan sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi niya. Putangina. Ano raw?! 5.5 million?! Ha?! Gago! Siraulong Kenzie! Ang mahal nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD