CHAPTER 04

1300 Words
Elijah's POV: Tangina! Pakiramdam ko, hindi ako makakalakad! Sobrang sakit! Inis akong bumangon para mag-inat. Suot ko na ngayon ang damit ni Kenzie. Gulo-gulo pa ang buhok ko pero hindi ko na lang pinansin 'yon. Pati pag-upo, hirap ako! Hindi ko alam kung nakailan ba kami kagabi! "Fck, anong oras na ba?!" Sabi ko bago napasabunot sa sarili. Bahagya akong gumalaw para tignan 'yung orasan. "Ay, hala! Malapit na mag-8! Ma-lalate ako!" Mabilis kong tinanggal ang kumot sa aking ibabaw tsaka ako bumaba ng kama. Kahit masakit pa rin ang p********e ko, tiniis ko na lang. Ang hirap ma-late sa first subject! Wala namang exempted kapag birthday! "Hey, good morning-" Napatigil si Kenzie sa pagsasalita nang muntik na akong matumba sa sahig. "Oh, careful." He said. I also smiled at him. "Good morning!" Bati ko bago tumakbo papasok ng cr niya. "Paligo ako, late na me!" I shouted. “Do what you want, Eli.” Rinig kong sabi niya. Hinubad ko na ang suot kong t-shirt at panty at nagsimula na akong mag-shower. Buti na lang, may pang babaeng pang-shower dito na binili niya para sa‘kin! After kong mag-shower ay lumabas ako agad bago tumakbo papunta sa kwarto niya. Gagi, may gamit pa ba ako rito?! “Sa taas, you have your things there.” Rinig kong sabi ni Kenzie mula sa aking likuran. Tumango ako at lumapit papunta sa drawer na tinutukoy niya para kuhain ‘yung gamit ko. “Oh, ano tinatayo mo riyan? May pasok ako!” Natatawang sabi ko sa kaniya, na ikinatawa niya rin. He was holding one cup of coffee on his left hand, while the other was on his pocket. Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala siya! Okay, Elijah. Hindi ka malandi! Mag-aaral ka! “Wala naman akong sinabi,” he let out a small laughed. Tangina, ang hot. Ikakamatay ko talaga siya! “Doon ka na, magbibihis ako!” I said. “I saw everything naman na, Eli.” Pang-aasar niya pa. Kinuha ko ‘yung unan tsaka binato sa kaniya. Huwag siyang gumanyan, baka bumigay ako! Kapag oras nang aral, aral dapat! Aral-Trabaho-s*x! A daily reminder from malanding Elijah! Huwag papauto! Hindi dapat marupok! Narinig ko ulit ang mahinang pagtawa niya bago siya tumalikod para lumabas ng unit. “Hahatid kita,” he said. “Hindi kita boyfriend para gawin ‘yan!” Sigaw ko pero sinara niya na ang pinto. Fine! May choice pa ba ako?! Malapit na akong ma-late! 7:40 na, 30 minutes ang byahe! Pagtapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Isang white long-sleeve polo at pants lang ang suot ko, naka-bun lang din ang buhok ko para hindi na hassle. Hindi na nga ako nakapag-makeup! Lipgloss lang! Pero okay na ’to, wala naman akong choice! Sa car na lang ako mag-aayos. Pagdating namin sa lobby, pumunta na si Kenzie sa parking para kuhain ‘yung sasakyan niya. Lumabas na agad ako para hintayin siya roon. Pagdating niya‘y agad akong sumakay at nagmadaling nilabas ang makeup pouch ko. “Pwede mo bilisan?” I asked him. “What?” gulat na tanong niya na para bang may sinabi akong nakakatawa. “Ha?” tanging sagot ko. Tsaka ko lang na-realize kung bakit siya nagulat noong natawa siya. “Ang bastos mo! Mag-drive! Pwede mo bilisan mag-drive?! Kung ano-ano nasa isip mo!” “Yeah, sure!” he laughed. “Bilis na, Zie! Letche ka talaga! Alam mo bang terror ‘yung first subject namin?! Kapag ako napaga-” “Who?” he cut me off. “Does he always mad at you? Why? Do you want me to fire him?” seryosong tanong niya habang nagmamaneho. “Ha?! Bungal! Hindi! Magaling naman siya magturo, talagang mainitin lang ulo tsaka lagi namamahiya-” “Still. Hindi dapat siya ganoon sayo... Sa inyo.” “At bakit mo siya tatanggalan ng trabaho?! Eh, magaling nga siya!” mataray na tanong ko. “Tsaka, favorite siya nung principal!” “Baka naman nakakalimutan mo?” biglang sabi niya. “I‘m the school owner‘s son, and soon to be owner of the school, Elijah. I'm also one of the school's official so, I have the power to fire him. Just tell me who it is.” Ay. Oo nga pala. Oo nga pala, ‘no?! Tangina, nawala bigla sa loob ko! Ang landi-landi ko kasi! Nakalimutan ko ng isa sa pinakamayaman na tao sa pinas ’tong si Kenzie! Hay, see? Ang layo namin. Kaya niya siguro bumili ng isang company ng socks. Samanatalang ako, kahit singkwenta tatawaran ko pa! “Pero magaling siya magturo...” tanging sabi ko. “It doesn't matter if he's good, marami pang iba riyan. Isa sa rason kung bakit bumaba ang self confidence ng mga estudyante dahil sa mga terror prof na katulad niya. Imbis na mag-aral sila, matatakot pa ’yang maging active sa class because one thing na papasok sa utak nila is kapag mali ‘yung sagot, baka ipahiya sila. Teachers and professors should be the one who‘ll help to correct them, not the one who will shame them in front of everyone. Kasi you know, naging estudyante rin naman sila.” Bigla akong natahimik sa sinabi niya! May point kasi siya! Tangina. Gwapo, mayaman at merong emotional intelligence?! Lord! I'm not your strongest soldier! Pakigabayan ako, baka bigla akong ma-inlove! “Uhm... May point ka,” nahihiyang sagot ko. Dapat talaga, hindi ako nakikipagtalo rito, eh! Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya kaya napanguso ako. “Si Sir Lim ‘yung tinutukoy ko...” maliit na boses kong sabi. “Why are you whispering, Eli?” he asked me, laughing a little. Inaasar pa ako! “Hindi, ah!” tanggi ko na ikinatawa niya nang mahina. “May point ka kasi, syempre sinong hindi mahihiya roon!” tumingin ako sa kaniya nang nakanguso, kaya mas lalo siyang natawa sa hitsura ko. Inirapan ko siya tsaka ako tumingin muli sa aking salamin para ituloy ang pag-mmakeup. “You don't have to be shy for what I said, I wasn't lecturing you, Elijah.” He let out a short laugh. “Hey.” “Oo na!” tumango ako, dahilan para tumawa siya. “Pero na-realize ko lang, ang gwapo mo magtagalog.” Tumingin ako sa kaniya tsaka ako natawa. “Oh, really? Am I? Bakit? I'm not gwapo ba if I spoke in English?” He asked. “Hindi naman! Mas gwapo ka lang kapag straight tagalog!” Sagot ko, natatawa. Yumuko siya at natawa kaya lumabas na naman ‘yung dimple niya. Ilang segudo akong napatitig sa kaniya bago ako nag-iwas ng tingin. Malala ka na, Elijah! “Sige, binibini,” he chuckled. Napatawa ako nang malakas sa sinabi niya. “Bakit ka tumatawa, Binibini?” formal na tanong niya dahilan para mas matawa ako. “Puro kagaguhan! Mag-drive ka na lang, please! Late na ako!” “Okay, darling.” he said. Agad nag-init ang pisngi ko. Oh my God! Naboboang na ako! Bakit nag-iinit pisngi ko?! Lord! Ayoko nitong nakakatakot na sign, ha! Fubu fubu lang dapat! Kalahating oras din bago kami nakarating sa school ko. Hindi na siya pumasok sa parking lot nang school dahil sigurado akong may makakakilala sa sasakyan niya. Pinilit ko pa siyang ibaba na lang ako sa kalayuan para safe! “Elijah, don't run, ha? Baka mapano ka,” paalala niya nang makababa ako sa sasakyan. Tumango lang ako at sinenyasan siyang iangat na ‘yung bintana ng kotse. “Ingat, ka! Salamat!” Paalam ko. Maglalakad na sana ako paalis nang magsalita ulit siya. “Eli,” he called me. “Happy birthday again.” Nakangiting sabi niya. Ano ‘to Lord?! Bakit may pagbilis ng t***k ng puso?! Delikado na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD