"Baby, gusto ko pang kumain," pukaw kay James ni Chloe. Pitong buwan na ang ipinagbubuntis nito kaya advice ng doctor na maghinay-hinay na ito sa pagkain dahil dalawang buwan na lang ay manganganak na ito. Kung kailan naman malapit na itong manganak saka naman ito naging matakaw. Napabuga siya ng hangin dahil ang hitsura nito ay nakakaawa. "Baby, prutas na lang ang kainin mo o 'di kaya'y gagawan na lang kita ng vegetables salad." "Kanin ang gusto ko," ungot nito. "Sandukan mo pa ako, please? Kahit isang sandok na lang pagkatapos noon ay hindi na talaga ako hihirit pa." "Baby, listen to me. Paglabas ng baby natin saka ka na lang bumawi. Hindi mo ba narinig 'yong sinabi ng doctor mo? Hatinggabi na pero nandito pa tayo sa lamesa imbes na nagpapahinga na tayo. Kapag nailabas mo na 'yang

