"Troy, Nasaan ba si James? Kung kailan naman manganganak na ako saka naman laging nawawala ang lalaking 'yon!" inis na sabi ni Chloe sa lalaking kausap niya. "Nandoon siya sa banyo. Bawal na rin bang dumumi ang asawa mo? Ang tindi mo naman, Babae," saad nito na may kasamang pamimilosopo. "Huwag 'ka mo siyang lalayo dahil anumang oras ay baka lumabas na 'tong anak niya. "Hindi mo pa naman due date, 'di ba?" "Hindi pa naman." "Hindi pa naman pala, eh. Baka sa susunod na buwan pa 'yan lalabas. Dapat nga hindi muna tayo sumugod dito sa ospital, eh. Dapat next month na tayo pumunta rito, eh." "Sa susunod na buwan? Ano ka baliw? Saan ka nakakita ng babaeng sampung buwan ang tiyan bago nanganak?" Paminsan-minsan kasi ay sumasakit na ang tiyan niya kaya naman agad siyang dinala ni James di

